Habang yakap ni Aaliyah si Hugo, parang gusto niyang maiyak. Inakit na niya ang Daddy Hugo niya at nagpakababa siya sa harapan nito pero sa huli parang nabaliwala lang din ang mga ginawa niya. Nagmukha lang siyang desperada sa harapan nito, lalo pa’t ang dinahilan niya kung bakit niya nagawa ang gano’n ay dahil pinaghihigpitan siya ni Hugo na magka-boyfriend. Oo, gusto niyang maranasan ang mga gano’ng bagay pero hindi sa ibang lalaki kundi kay Hugo lamang. Pero nang makita niya ang pagsisisi sa mga mata nito pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa ay hindi niya nagawang sabihin rito ang totoo niyang nararamdaman. Lalo pa’t hindi niya naman sigurado kung pareho sila ng damdamin para sa isa’t isa. Mahal niya si Hugo hindi bilang isang ama, habang si Hugo naman ay pinagdiinan pa sa kanya

