Pumasok sa loob ng bahay si Hugo mula sa patio habang hawak niya ang tasa na wala nang laman na kape. Pupunta sana siya sa kusina nang matanawan niya si Aaliyah na papanik ng hagdan habang may hawak na mug, kaya umatras siya at lumabas muli ng bahay. Inilapag niya sa lamesita na nasa may patio ang hawak niyang tasa at saka siya naglakad papunta sa tapat ng balcony ng kwarto ni Aaliyah. Dahil hindi niya malapitan si Aaliyah dahil sa hiling nito na layuan niya muna’y umasa na lang siya na matatanaw niya ang dalaga sa may balcony kung sakaling lumabas ito roon. Kilala niya kasi si Aaliyah, at alam niyang isa sa mga hilig nito ay ang maglagi sa may balcony habang umiinom ng hot chocolate o kaya ay gatas. Kahit na panakaw na masulyapan lang mula sa malayo si Aaliyah ay ayos na sa kanya. Alam

