“I’m sorry for what I’ve said earlier. Wala namang masama sa pagiging fan, and you’re my father’s daughter now, kaya normal lang na maging dependent ka sa kanya. “Kung alam mo lang Gael, higit pa sa pagiging fan at anak ang relasyon ko kay daddy,” sabi niya sa kanyang isip habang nakangiti siya at nakatingin kay Gael. “Wala ka bang sasabihin? Hindi ka na nakapagsalita d’yan,” nakangiti nitong sabi habang pasulyap-sulyap sa kanya dahil nagmamaneho ito. “Nakakapanibago ba? Hindi ka ba sanay na nagso-sorry ako at tumatanggap ng pagkakamali?” Nakangiting tumango si Aaliyah. Mas sanay kasi siya na kapag nag-aaway sila, hindi na sila nagkikibuan ni Gael hanggang sa maging okay na sila uli na para bang walang nangyari. Siguro iba na ngayon, dahil hindi na sila mga bata. “Sorry din. I swear, na

