Nakaupo si Hugo sa sala, at kanina pa niya hawak ang kanyang cellphone, dahil naghihintay siya ng text o tawag galing kay Selena. Kanina pa kasi niya kino-contact ang dalaga ngunit hindi ito nagre-reply sa mga messages niya. Mahigit isang linggo na ang dumaan mula nang maging magkasintahan sila, at mula no’n ay walang palya ang pagpunta ni Selena sa kanya. Palagi rin itong nagte-text sa kanya tuwing umaga pagkagising nito, at bago ito umalis sa mansyon upang tumakas para makipagkita sa kanya. Ngunit sa araw na ito ay walang natanggap na good morning text si Hugo galing kay Selena. Pasado alas-tres na rin ng hapon at alam niyang tapos na ang online class ni Selena, kaya nagtataka siya na hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya. Ilang beses na rin niya itong sinubukang tawagan ngunit hindi n

