Mabigat ang bawat hakbang ko papasok sa korte. Nasa kaliwa ko si Belle—tahimik, pero mahigpit ang hawak sa kamay ko. Sa kanan ko naman si Atty. Ramon, ang abogadong tumutulong sa kaso ni Mama. Mula sa hallway pa lang, ramdam ko na ang tingin ng mga tao. Mga mata ng korte. Mga pulis. Mga estrangherong naghuhusga. Pero wala na akong pakialam. Ito na ang araw. Araw na ilalaban ko ang katotohanan para sa nanay ko—kahit nasaktan niya ang maraming tao. Kahit nasaktan niya ako. Dumiretso kami sa harap ng courtroom. May mga mamamahayag sa labas. Pero bawal silang pumasok. Salamat sa Diyos. Pagbukas ng pinto, una kong nakita si Leo. Nakatayo siya sa may bandang likuran, naka-black suit, cold expression sa mukha. Hindi ko mabasa kung galit pa rin siya sa ‘kin, pero ang alam ko lang—hindi siya

