Hindi ko inasahan na babalik si Raf sa buhay ko nang ganito. Hindi ko rin akalaing sa dami ng taong puwedeng humila sa ‘kin pabalik sa realidad… siya pa ‘yung gagawa nun. Si Rafael Del Rosario. Ang lalaking palaging nandoon kapag wala na ang lahat. At ngayong parang unti-unti na akong nilulunod ng katotohanang hindi ko pa kayang harapin—siya ang sumalo sa ‘kin. “Hindi ako detective,” bungad niya sa ‘kin habang magkausap kami sa loob ng kotse niya, nakaparada malapit sa park kung saan kami madalas magtambay noon sa college. “Pero may mga bagay kasi na... kapag nakita mo, hindi mo na puwedeng ipikit.” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, halos walang lakas ang boses. Dahil kahit wala pa siyang sinasabi nang buo—ramdam ko na. May mabigat. May masakit. Huminga siya nang malalim. Kinuha

