Pained

647 Words
Kaunti lang ang nakain ni Marie, nawawalan siya ng ganang kumain. "Meme, babalik na ako sa kwarto." Mahinang wika ni Marie. " Ay! Sige po mam, ako na pong bahalang maglipit dito." Nakangiting tugon naman ni Meme. Pagkapasok sa silid ay agad na sumalampak sa kama si Marie. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Umaagos ang kanyang mga luha sa iisiping pampalit lang pala siya sa Racquel na iyon kung bakit siya naririto ngayon kay Miguel. Hindi man niya alam ang nakaraan ni Miguel at nang Racquel na iyon pero panigurado niyang nasasaktan siya. Hindi man maamin ni Marie ngunit nasa peligro na ang kanyang damdamin, umiibig na siya sa lalaking nagbayad sa kanyang puri. Hindi namalayan ni Marie na naidlip pala siya sa kakaiyak. Mugto ang mga mata nang maulinigan ang mahihinang mga katok sa may pintoan. Halos lumundag ang kanyang puso ngunit nanghina din siya sa iisiping hindi kumakatok si Miguel. Diretso itong pumapasok at agad siyang sinisiil ng halik o dili kaya'y hahaplos ito sa kanya at yayakap. Inayos ang sarili at dahan dahang nagtungo sa pintoan para pagbuksan ang kumakatok. Bahagya pang nagulat si Marie nang mapagsino ang kumakatok. Si Primo ito, nagtatanong ang mga mata ni Marie tila hinahanap ang taong gustong makita. Kalmado lang si Primo. "Miss Marie, ihahatid na kita ngayon sa mga magulang mo." Wika pa ni Primo. Kumunot ang noo ni Marie."Saan si Miguel?" Hindi alam ni Marie kung matutuwa siya o malulungkot sa sinabe ni Primo. Hindi niya alam kung saan huhugutin ang kagalakan sa puso kung ibang tao ang gusto niyang makita sa ngayon. "Nasa hospital. Nakatamo siya ng sugat  dahil tinamaan siya ng bala. Pinagbabaril ang sasakyan namin kanina habang papunta kami sa opisina niya." Maikling tugon ni Primo. Napadinghap si Marie. "Oh my God... Gusto ko muna siyang puntahan. Kumusta ang kondisyon niya? Is he alright now?" May pag-aalala sa boses ni Marie. "No! Pasensya na po pero ang mahigpit nya pong bilin ay ihahatid ko na po kayo ngayon sa mga magulang ninyo. Huwag po kayong mag-alala, stable na po siya at nagpapagaling nlang, bukas, makalawa makakalabas na siya ng hospital." Matigas na tugon ni Primo. Napayuko si Marie. Hindi niya mapigilang nag- uunahang pumatak ang mga butil butil na luha sa kanyang mga mata. "  After You Miss Marie." Paglahad ni Primo at pinapauna siyang maglakad papalabas sa mansion na iyon. Walang mapagsidlan ang lungkot at halo halong emosyon na lumulukob sa damdamin ni Marie ngayon. Mas lalo niyang hindi malaman ang iisipin. Basta isa lang ang alam niya, oo namimis na niya ang magulang ngunit ayaw na niya sanang mawalay kay Miguel Marquez. Nang makapasok sa magarang sasakyan ay iniabot ni Primo ang panyo sa umiiyak na Marie. Nasa likurang bahagi si Marie nakaupo. Samantalang si Primo katabi ang driver. Napahikbi nang tuluyan si Marie habang papalayo ang sasakyang lulan siya kasunod ay isa pang sasakyan lulan ang apat pang mga tauhan ni Miguel bilang escort ng sasakyan nila. "May ipinabibigay pala si Sir Miguel sa iyo." Basag ni Primo sa katahimikan at sa pagitan ng mga hikbi ni Marie. Hindi man lang sumulyap si Marie kay Primo. Nakatuon ang mga mata niya sa mansion ni Miguel na minsan naging pugad ng kanyang sari-saring alaala. Tumikhim si Primo, kinuha narin ni Marie ang itim na maliit na box na inaabot sa kanya. Pinahid ang namumugtong mga mata saka binuksan ang maliit na kahon na kulay itim. Nakaaninag si Marie ng kinang, isang singsing ang laman. Magarang singsing na may malakaing tear drop diamond. May maliit na papel na may nakasulat wait for me. Nasurpresa si Marie, nabibigyan siya ng kaunting kasiyahan sa mensahe nito. Agad niyang kinuha ang singsing at isinuot sa kanyang ring finger. Para itong pinanday mismo sa kanyang palasinsingang daliri. Saktong sakto ang kasya nito. Napasinghap si Marie. Hawak ang kahon ay dinama niya ang kaliwang dibdib. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD