Summer with myself

892 Words
Mataman na sinipat sipat ni Marie ang sarili sa malaking salamin sa harap niya.. Nakasuot xa ng floral dress na hanggang tuhod ang haba at spagheti strap ito.Nakalugay lamang ang kanyang hanggang bewang na buhok na may malalaking curl na medyo chestnut ang kulay at lalong tumitingkad ang kulay ng kanyang buhok kung nasisinagan ito ng araw. Napangiti siya sa satisfaction na nakikita niya sa harap ng salamin.naglagay xa ng butterfly clip na silver sa gilid na bahagi ng kanyang buhok at ikinurap kurap ang kanyang mga mata.mahahaba at magaganda ang kanyang mga pilik mata na lalong nagpapadagdag sa kanyang taglay na kagandahan.Sa height n 5 feet 8 inches tall ay tila isa siyang beauty queen sa balingkinitang katawan.Dumagdag pa ang kutis porselana niyang balat, pointed nose, mapupulang mga labi at rossy cheeks. Siguro nga ay taglay niya ang kagandahang malaDiyosa dahil matagal din siyang hiningi sa maykapal ng kanyang mga magulang.Nasa kuwarenta na ang kanyang Mommy Beth nang magbuntis sa kanya noon.Kung kaya ngayon ay dalaga na siya ay nasa senior citizen na ang kanyang Daddy Nick at papahabol naman si Mommy Beth niya. Kahit na minsan nakakasakal na ang pag-aalaga ng mga magulang sa kanya ay mahal na mahal parin niya ang mga ito.Naiintindihan niya kung bakit sobra sobra ang pag iingat ng mga ito sa kanya kahit na ipagdamot siya sa mga mata ng ibang tao. "Good Morning Teacher Anne..." Malambing na bati ni Marie sa kanyang guro habang papanaog siya sa hagdanan mula sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang kanyang silid. Agad namang napangiti nang magtaas ng tingin si Teacher Anne.Nakaupo ang huli sa isa sa mga upoan nila sa sala at nagbabasa ng libro habang hinihintay niya si Marie. "Iha, magsisimula na ang summer at natapos na natin kahapon ang final exam mo sa taong ito. Naiwasto ko na ang mga ito kagabi at binabati kita, pasado ka sa lahat ng asignatura." Nakangiting wika ni Teacher Anne. Agad namang tumabi si Marie sa kanyang guro sa pagkakaupo nito at kinuha ang mga test papers na inaabot ng guro.Tuwang- tuwa naman si Marie habang isa isa itong binubuklat. " Hay.. Ang saya saya ko po..." Nasambit pa ni Marie na purong tuwa ang namumutawi sa mga labi nito. " Isang taon nalang ang gugugulin natin Marie at sa syudad kana mag aaral ng college." Maikling turan ni Teacher Anne. Nangingislap naman ang mga mata ni Marie, tila mababasa sa mga ngiti niya ang salitang Freedom. Dalawang buwan na pahinga para sa summer. Iniisip ni Marie habang tanaw niya ang papaalis na sasakyan ng kanyang Teacher Anne. Nalaglag ang kanyang mga balikat. Enhale, Exhale, hindi magiging boring ang summer niya at muling ngumiti si Marie. Buisy sa araw araw na mga gawain ang kanyang mga magulang.Marami itong mga alagang hayop at may pagawaan pa ng virgin coconut oil at atsara na iniexport pa sa ibang bansa. Marami namang mga taohan ang mga ito pero personal talaga nilang pinapamahalaan ang mga pinagkikitaan ng pamilya. Ngunit tuwing linggo naman ay nagsisimba naman ang mga ito kasama siya at holiday sa mga gawain ng mga ito. Nag makaupo si Marie sa malambot na upoan niya na sadyang binili ng mga magulang niya para kumportable siyang makaupo habang nasa harapan ng kanyang personal computer. Magara at latest ang kanyang mga gadgets. Malaki ang screen ng kanyang computer. Kung balak niyang papalitan ng latest ay agad naman siyang binibili ng mga magulang. At ang luma ay pinasusubasta sa mga anak ng kanilang mga empleyado. May personal na tagahanda ng pagkain si Marie lalo pa at buong araw na wala ang kanyang mga magulang at sa haponan lang sila nagkakasama sama. Narinig ni Marie ang mga mahihinang katok sa kanyang pintoan. " Pasok po Ate Yana." Alam na niya na si Yana ito dala dala ang kanyang pananghalian. " Pakilapag nalang po sa may mesa Ate" wika pa ni Marie nang makapasok na si Yana na may dalang food tray lulan ang mga pagkain. Dalawa ang kasama ni Marie sa buong araw na wala ang mga magulang. Si Nana Riza na tiya ni Yana at si Yana. Tagalinis, tagalaba at taga handa ng pagkain ang mga ito. Matapos makapagpananghalian si Marie ay piknakuha na niya kay yana palabas sa silid ang mga kubyertos. Bumalik ang kanyang atensyon sa harap ng screen ng kanyang computer. May nag pop up na mensahe sa kanyang messenger. "Hello again friend... How was your day?QNapag isipan mo na ba yung alok ko?" Mensahe mula sa nakapangalang Apple. Matagal nang chatmate ni Marie si Apple.Sa f*******: niya lang ito nakilala. Eh, halos lahat naman ata ng mga kakilala niya ay sa f*******: niya lang nakilala maliban kay Teacher Anne. Hindi nga siya pinapayagang lumabas. "Kung hindi ako boring sa summer na ito, siguradong nag iisip pa ako hanggang ngayon." si Marie "Hahaha Get out from your shell girl. We will be having fun. Hinding hindi ka magreregrets." Si Apple "Ok, just give me the link." Si Marie Nang maiforward ni Apple ang link ay agad naman itong iniclick ni Marie. Lumaki ang mga mata ni Marie sa nakita at namula ang kanyang pisngi. "Oh my God Apple pornsites naman ito." Si Marie. "Pick up your earphone girl, I will be calling.I want to talk to you." Huling message ni Apple at nakita na ni Marie ang incoming call. "Hello Apple..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD