Chapter 3 : Knight in Leather Jacket

1149 Words
***************** Raven***************** Ngumiti si Raven sa lalaki. Tama ang desisyon na hindi niya ito pinatay noon. "Sabi ko na nga ba, susunod ka. Kilala mo parin pala ako." Napangiti siya. Pati boses nito nag-iba. Malalim. Lalaking-lalaki. Hindi na yung matinis at takot na takot. Hindi na ito ang batang nagtangkang mang-holdup sa kanya. Yung halos na maihi na sa takot nang makita nito kung paano niya patayin ang mga kasama. It's been almost twelve years. Matagal na pahanon na rin. "I never expected this reunion, but there you are." She said while eyeing on him intently. Napakagat pa siya ng labi. He's tall now. Lean built. With dark piercing eyes and ridiculous perfect smile. He's wearing a black leather jacket. It looked ridiculous to anyone in this freaking heat, pero bakit sa lalaking to, bagay na bagay. He looked like that damn lead actors in those movies that Isabelle was so fond of. Even better actually. Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi naman ito umalis sa kinatatayuan hanggang magkatapat na sila. She traced her fingers on his chest. She can feel his heart there. Mabilis parin ang t***k pero hindi dahil sa takot. Inilapit niya ang mukha sa leeg nito, hindi naman pumalag. Like he was expecting it. Damn. He really smells good. A little fun before the main event isn't bad, she thought. Mag-eenjoy muna siya. "Can I taste you now?" She asked. "Mukha na ba akong masarap?" Ngumiti siya. Marahan niyang hinila ang kwelyo nito para magpantay sila. She can smell his breath. Mint. "Well..." He leaned and she let him kiss her. He tasted like alcohol and nicotine, she thought. Dangerously addicting. Damn, so addicting. Napahawak siya sa batok nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan sa halik. She kissed so many men before, ngayon lang niya naramdaman ang kakaibang init na kumakalat sa katawan. Para siyang tinutupok. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa likod. Humigpit pa ang hawak na parang ayaw siyang pakawalan. She felt goosebumps crept through her skin as she slightly opened her mouth and let his tongue...oh d*mn his tongue. She can feel his heart like almost like he was-- Agad niya itong itinulak. He has a gun. Nakapa niya iyon mula sa likod nito. Napaatras pa siya at napansin ang tattoo nito sa kanang kamay. A mark. Omega symbol. "Hunter." She hissed. "You're a hunter?" Tumango lang ito at ngumisi. Her lipstick was all over his face. Marahan nitong pinunasan iyon ng mga daliri. She winched. He tricked her. And she let her guard down. "f**k off!" Tinuhuran niya ito nang malakas. Rinig pa niya ang sigaw nito sa sakit nang maglakad siya papalayo. "Hoy! Teka!" Nahuli nito ang isang kamay niya. Hinila papalapit at madiing tinakpan ang bibig. Naramdaman niya ang malamig na pader sa likod at ang braso nito sa leeg niya. For a human, he's too fast. "Masakit yon ha!" Madiin nitong sambit. "Muntik mo nang mabasag itlog ko, langya ka!" And he's too damn strong too. Hindi siya makawala. Ah. s**t. Dapat talaga humingi na siya kay Vicky ng supplies. "Let me go!" "Hindi kita sasaktan, ok? Kumalma ka. Marunong akong tumanaw ng utang na loob." "W-what?" "Edi dapat kanina pa kita binaril kung may balak nga ako. Una palang diba, alam ko nang bampira ka." Tumigil siya sa pagpiglas. May point ito. Marahan naman nitong inalis ang pagkakahawak sa leeg. "Then what do you want?!" She hissed. He had a chance at pinalagpas nito yon. Pero hindi parin dapat siyang magtiwalang wala itong gagawing masama. These hunters have been hunting their kind since ages. Mostly mga rogues ang target. Yung mga walang habas na pumapatay ng mga tao nang walang dahilan. Kaso hindi naman niya gawain yon. "Di na ako magpapaligoy-ligoy pa ha," sabi ng hunter. Tumingin muna ito sa paligid bago magsalita uli. "May pabuya ka sa ulo. Dalawang milyon kapag nahuli ka." Napataas siya ng kilay. Sino namang gagawa noon? A lowlife that she rejected? A woman she took her husband from? Ah, malay ba niyang may asawa ang mga yon, sinungaling ang mga lalaki. Dammit. Sino sa mga yon? And two million. Lang. Nakakainsulto. She's worth way more than that. "So you needed money? Again?" Umirap siya at bahagyang itinulak ang lakaki. Para na rin makaalis na sa pagkakasandal at mapalayo ang mukha dito. Nalansi na siya nang una. Hindi na dapat maulit yon. "I'll pay double that bounty," aniya at humalukipkip. "Just get out of my face." Madali namang pakiusapan ang mga tao. Lalo na at pera lang pala ang motibo. Hindi naman masakit ang apat na milyon, madami siyang pagkukuhaan. She has a vault full of gold bars for goodness sake. Ayaw niya lang na may umaaligid sa kanya. Though she really felt disappointed. Twelve years din ang sinayang niya. Dapat kinagat na niya ito noon pa. She was expecting a different scenario for their reunion. Bakit ba kasi naging hunter pa ang batang ito? "So. Deal?" She asked. "Ha? Deal? Anong deal?" Sabi nito. Mukha pa itong nag-alangan. "Are you really that dumb?" Umiling lang ito at ngumiwi. "Hindi mo ba nakuha? May pabuya nga sa ulo mo." "Then what the hell do you want?" Tanong niya. Bakit pa to nagpakita uli kung wala namang motibong pera? "Sumama ka sakin. Proprotektahan kita." Napataas siya ng kilay. "Bakit ako sasama sayo? I don't need your protection. Who do you think I am?" Nakakainsulto talaga. Nakalimutan na yata nito ang ginawa niya sa mga kasamahan nito dati. "Kilala kita. Kilalang-kilala. Naming lahat." Sagot nito. "Alam nang lahat nang hunters kung anong gamit mong alias ngayon. Kung saan ka nakatira. Kung sino yung kasama mo sa bahay--Isabelle ang pangalan nung babae, diba?" Natigilan siya doon. Si Isabelle. "What?" "Kalat nasa lahat ng hunters ang lahat ng impormasyon tungkol sayo. Hindi ka na ligtas, wala ka nang mapupuntahan." Umiling siya. She's not worried about herself, kaya niya ang sarili niya. Pero si Isabelle. Mapapahamak si Isabelle. "O ano na?" Parang nanunuya pang tanong ng hunter. "f**k off." Mabilis lang niya itong tinalikuran. She have time for this s**t. Kailangan niyang maialis ang kaibigan sa apartment ngayon din. If this go out of hand, hindi lang mga hunter ang proproblemahin niya. Pero bago pa siya nakalayo ay nahablot nito braso niya nang malakas. How--What kind of training does this hunter had?! O baka talagang mabagal na siya? "Bitawan mo ako!" "Pupuntahan mo ba kaibigan mo? Sasama na ako sayo." Sabi ng hunter sabay hila sa kanya papalapit. "Why do you think I'll let you?" Inis niyang tanong. Wala na siyang oras ngayon. "I don't trust you. I don't even know you." She hissed. "Ok, fine. Edi magpakilala." Napaatras siya at muntik nang mawalan nang balanse. "You f--" Hindi naman siya nakapagsalita agad nang biglang yumukod ito sa kanya. "Kiel Mendoza. Hunter Six-Four-Eight." Sabi nito. "At your service, Princesse Angelique du Soliel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD