Limang araw ang lumipas. At sa loob ng mga araw na iyon ay walang Frank ang tumatawag sa akin. Kaya labis akong nag-aalala. Dati naman ay halos oras-oras itong tumatawag para lang kamustahin ako. Ano na kaya ang nangyri sa lalaking iyon? Baka busy lang siguro sa trabaho niya. Iyon na lamang ang lagi kong inilalagay sa aking isipan para hindi ako mag-alala sobra. Nagulat pa nga akong nang biglang magring ang cellphone ko. Nagmamadali ko naman iyong kinuha at nagbabakasakali na si Frank na iyon. Ngunit nadismaya ako nang makita kong si boss Zach ito. Napabuntonghininga na lamang ako, sabay sagot ng pagtawag nito. "Boss," bungad ko agad sa boss ko. "May malaki tayong problema," biglang sabi nito sa akin. Kumabog ang dibdib ko sa tinuran nito. Ramdam ko ring nanginginig ang kamay ko. Pe

