Nagising ako na parang may nagkakaingay sa labas ng bahay. Tumingin muna ako sa aking relong pambisig at nakita kong ala-una na ng madaling araw. Ano kaya ang nangyayari sa labas? Bakit mayroong umiiyak na babae? Kaya naman marahan akong humakbang upang alamin kung ano ang nagaganap. Walang inagay na lumabas ako. At sa kusin ako dumaan. Maingat ko ring binuksan ang pinto para tuluyan akong makalabas. Umikot ako sa likod bahay. Pagkatapos ay sumandal sa pader upang silipin kung ano ang nangyayari. "Ano ba! Bitiwan nga ninyo ako!" sigaw ng isang babaeng kilalang-kilala ko. Shit! Ano'ng ginagawa rito ni Ate Ella? Paanong nakuha siya ng mga tauhan ni Jolle. "Sige na! Dalhin ang babaeng iyan sa kulungan. Hayaan nating mabaliw si Fuentebella sa kahahanap sa asawa niya," utos ng lalaki sa m

