Hindi pa halos umaabot ng minuto na magkalapat ang labi namin ni Frank nang maliksi akong itulak nito. Mabuti na lang at hindi iyon kalakasan. "Lumabas ka na Asyang!" pagtataboy sa akin ni Frank. Ngunit isang matamis na ngisi ang ibinigay ko. "Sir, Asyang ka nang Asyang. Feeling ko tuloy aswang ako. Uulitin ko po Sir, Tasya po ang pangalang ko. Saka ang sarap pala ng labi mo ang tamis," baliw na sabi ko. "Lumabas ka na babae! Hindi ka ba nahihiya mayroon ka ng boyfriend!" singhal niya sa akin. "Bakit naman ako mahihiya. Saka mukhang mas masarap kang humalik kaysa sa boyfriend ko," nang-aakit na sabi ko. "Labas!" sigaw na nito sa akin. Kumindat muna ako rito bago ako lumabas ng silid nito. Sana lang ay kahit papaano ay maalala ako ng lalaki. Sa kwarto na ako unang pumunta. Nag-iisip

