Hindi na lamang ako nagsalita. Hinawakan ako sa kamay at nagyayang umalis na. Hindi kami magsasakay sa kotse nito, dahil ang gusto ni Frank ay maglakad kami papunta sa bayan. Kaya sinang-ayunan ko ang trip ng lalaki. Hindi pa kami halos nakakalayo nang may biglang humarang sa amin na tatlong kotse at nagbabaan ang mga armadong lalaki. Hindi kami pumalag sa gusto ng mga ito. Walang takot na sumama kami sa kanila. Wala rin naman imik ang lalaking katabi ko. Pagpasok sa loob ng kotse ay pasimple kong pinindot ang maliit na tracking device na nakalagay sa aking tainga. Alam kong makikita ni boss Zach ang lahat nang nagaganap dito. Mukhang maagang mahuhuli yata si Ambit Dragly. Malakas kasi ang kutob ko. Lalo ay may mga hawak na kaming ebidensya. At ang isusunod na namin ay si Jolle Go. Ang

