Nagising akong tila umiikot ang buong paligid ko. Pakiramdam ko'y parang hinahalo ang sikmura ko. Kaya naman nagmamadali akong lumabas para pumunta sa banyo. Pansin ko'y walang tao rito sa loob ng bahay. Ngunit naririnig ko ang masayang kwentuhan salabas ng bahay namin. Siguro'y inaayos nila ang mga paninda. Agad kong binuksan ang pinto ng banyo at mabilis na pumasok doon. At pagkatapos ay sumuka ako nang walang humpay. Wala naman akong kinakain pero bakit ganito ang aking tiyan? Ang masama pa'y halos wala naman akong sinusuka. At puro mapait lamang. At nang alam kong hindi na ako susuka ay lumabas na ako ng banyo. Hinawakan ko rin ang aking noo dahil pinagpapawisan ako ng malamig. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos makainom ay muli akong bumalik sa aking sili

