Wala naman akong narinig na salita sa lalaki. Tumalikod na lang siya sa akin at lumapit sa bintana. Pansin ko sa mukha nito ang naguguluhan. Tumalikod na lamang din ako upang kumuha ng makakain nito. Sabi kasi ni Jolle ay hindi pa raw ito kumakain. Pagbaba ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain ng binata. Hinanda na pala ito ng mayordoma. Agad ko naman dinala ito paakyat sa silid ni Frank. "Sir, kumain po muna kayo para po makainom kayo ng gamot," sabi ko pa sa binata. "Busog pa ako," masungit na wika nito. "Pero, Sir, ang bilin sa akin ni Ma'am, Jolle ay pakainin kayo," pangungulit ko rito. "Hayaan mo na lang ako Tasya. Ayaw ko pang kumain!" masungit na sabi niya sa akin. "Sir, paano ka gagaling kung 'di ka kakain ng maayos. Saka kung gusto po talaga ninyong makaalala dapat po s

