Hindi nagtagal ay dumating na nga ang pinabili kong kalamaris. Lalo akong nakatakam nang maamoy ko ang bango nito. Kaya naman walang pakialam na kumain ako. Mayamaya pa'y bumukas ang pinto at pumasok ang magaling kong asawa. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng cr. Hindi ko na lamang ito pinansin. Pagkatapos kumain ay agad akong lumabas. Kinuha ko ang wallet ko, dahil balak kong maglakad-lakad sa bayan. Laking tuwa ko dahil wala man lang nakakita sa akin hanggang sa tuluyan akong makalabas ng bahay. Hindi nagtagal ay may tumigil na sasakyan kaya mabilis akong sumakay at nagpahatid sa bayan. Pagdating sa bayan ay sa Mall ako unang pumasok. Baka kasi may magustuhan ako. Lumipas ang mahabang oras na paglalakad ko sa Mall at ang tanging nabili ko lang ay ang duster na pambuntis. Kaya naman

