"Minsan mo pa akong suwayin April ay ikukulong na talaga kita o kaya naman ay mas magandang palayasin na lang kita dito sa pamamahay ko! " galit an galit na banta sa akin nga asawa ko.
"Kaya mag-isip ka na kung lalayas ka na!" dugtong pa ni Eduard.
Natawa ako ng pagak. Kaya naman kunot noo na nakatitig sa akin ang asawa ko habang salubong ang makapal na kilay na laging galit sa tuwing nakikita ako. Pakiramdam ko nga ay lalong magagalit si Eduard kapag nakita akong masaya.
"Lalayas? Para ano? Para nga naman maitira mo na dito ang babae mo?" nakangisi kong tanong.
Lalong kumunot ang noo niya sa narinig sa akin.
"At marunong ka na sa pagbabaliktad ng sitwasyon? Ikaw ang pinagbibintangan ko kaya huwag mo akong pagbintangan ng may babae ako!" asik niya at halos mapatid na ang litid sa kanyang leeg.
Lalo tuloy akong natawa habang inuubo. Hinila ko ang sariling katawan papunta sa pader ng bahay para naman makasandal ako. Pakiramdam ko ay baka hindi na ako makalakad kaya naman pilit akong umusad gamit ang dalawa kong kamay.
Nakatingin lang sa akin si Eduard habang hirap na hirap akong gumapang.a
"Kaya pala kung makalingkis sa braso mo ay ganun-ganun na lang. Kung maaya kang maghapunan sa kung saan ay akala mo siya ang asawa mo gayong isa lamang siyang tauhan," wika ko habang randam ang panghihina ng katawan.
"Kung si Ylona ang tinutukoy mo, huwag mo siyang pag-isipan ng masama dahil hindi siya kagaya mo!"
Mas natawa ako. Tawa na para na akong nasisiraan ng bait habang tumutulo ang mga luha.
Asawa niya ako pero heto at ganun niya na lang ako pinagbuhatan ng kamay samantalang ang babe niya ay huwag ko raw pag isipan ng masama? Dahil hindi ko kagaya?
Oo nga naman.
Hindi talaga kami magkatulad.
Class, prim and proper at professional nga naman ang babae niya samantalang akong asawa niya ay losyang na ay wala pang ipinagmamalaki na mataas na pinag-aralan.
"Maaaring kulang ako sa edukasyon pero hindi naman ako bobo, Eduard. Sa lahat ng dinaluhan mong okasyon, sino ang kasama mo? Hindi ba at proud na proud ka pa na lumakad sa red carpet kalingkis sa braso mo si Ylona?"
Nagtaas-baba ang adam's apple ni Eduard.
"Wala kaming relasyon na dalawa! Siya ang isinasama ko sa mga business party dahil alam niya na ang gagawin sa ganung klase ng pagtitipon. Kilala rin niya ang mga investors at mga negosyante. Kaya wala kang karapatan na pag-isipan ng masama kung anong relasyon meron kami!" halos pumutok na ang mga ugat ni Eduard sa pagsasalita.
Natawa akong muli.
Ako ang pinag-iisipan niyang may relasyon kay Darwin gayong kahit kailan simula ng maging mag-asawa kami ay hindi na kami kailanman nagka-sama ng matagal ni Darwin na kami lang dalawa.
Samantalang silang dalawa ni Ylona? Magkasama na buong araw sa trabaho minsan ginagabi pa sa mga party.
"Wala kang alam sa negosyo kaya huwag ka na lang mag-komento at gumawa ng isyu. Ylona was a good friend and a good business partner kaya tigilan mo ang iniisip mo tungkol sa aming dalawa!" sigaw ng aking asawa habang nakaduro pa ang kanang hintuturo sa akin.
"Kaya ba hindi mo na pinagkakaabalahan sa mga interviews mo kung sino ang asawa mo? Hinahayaan mo na lang na isipin ng mundo na siya ang asawa mo?" mahinahon kong tanong.
"Ano ba ang pinupunto mo, April? Business is business at hindi ako celebrity na masayang sumasagot sa mga walang kwentang interviews!" sagot niya.
"Wala lang, ako kasi ang madalas mong pag-isipan na taksil gayong ikaw itong malinaw pa sa sikat ng araw akong pagtaksilan." Walang emosyon kong pahayag.
Dapat ba mayroon pang emosyon?
Parang naubos na yata sa katawan ko 'yon.
"Wala kaming relasyon!"
"Talaga ba? "seryoso kong tanong habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Kasi hindi ganun ang nakikita ng mga taong nakapaligid sa inyo. Lalo na at hindi naman nila kilala kung sino ang tunay mong asawa. Sabagay, nakakahiya nga naman na ipakilala ang asawa mo na isang losyang na walang pinag-aralan. Kaya proud ka na kasama ang babae mo. Siya nga naman ay may mataas na pinag-aralan, matalino, classy. Ngunit mas pinili na maging kabit ng asawa ng may asawa." Parunggit ko pa.
"Ylona was just a good friend!"
nag-igting ang kanyang panga sa madiin na pagsasalita. Alam kong pikon na pikon na siya. Nakipag-sukatan ako ng tingin sa kanya.
"Okay, sabi mo,eh." Nakangiti kong sagot ngunit hindi niya alam kung gaano ako nasaktan hindi lang sa pisikal na aspeto maging sa emosyonal.
Durog na durog na ako.
Pero mas lalo pa akong dinurog.
Pinagtatanggol niya ang babae niya samantalang ako na asawa ay pinaparatangan ng kung anu-ano.
Sinasaktan ng mas masahol pa sa isang hayop.
"Huwag na huwag ko ng mababalitaan na dinalaw mo si Darwin! Dahil makakatikim ka na naman sa akin at huwag na huwag mo rin ibalik sa akin ang pagiging taksil mo!" madiin niyang wika at saka ako iniwan sa sala sa ganun ang itsura.
Tumingin ako sa aking relong na pambisig dahil baka maabutan ako ni Erin na ganito ang kalagayan.
Pilit akong gumalaw.
Gumapang muli at dahan-dahan na itinayo ang sarili.
Nagtagumpay naman akong ayusin ang aking sarili bago pa dumating ang anak ko. Iniladlad ko na lamang ang mahaba kong buhok at hinahayaang tumatakip sa mga pisngi ko para matakpan ang pamumula at pamamaga.
"Anak, kumain ka na ba?" salubong na tanong ko sa anak kong pagod na pagod din ang itsura.
Matiim ang uri ng tingin niya sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin.
"Mom, ilang buwan na lang, I'm gonna celebrate may eighteenth birthday at hindi na ako elementary na madaling maniniwala na nadulas ka o nasubsob sa kung saan kaya nagkaroon ng mga pasa o sugat sa katawan. Nag-dinner na po ako sa labas kasama ng mga kaibigan ko. Matutulog na po ako dahil pagod na rin ako. Good night, Mommy," saad ng anak ko at saka nag tuloy-tuloy sa hagdan at humakbang na paitaas.
Tumulo na lamang ang mga luha ko habang pinapanood umakyat si Erin.
Matalino ang anak ko.
Kaya hindi na ako magtataka kung alam niya na kung anong klaseng relasyon mayroon kami ng Daddy niya.