Nagmamadali ng umalis sina Erin at Makoy at baka ma-late na sila sa kani-kanilang klase. Si Lyndon at Abby ay magkasama rin na umalis para ihatid ang naglalambing nilang anak sa eskwelahan nito. Kami na lang ang naiwan ng asawa ko na kanina pa masama ang tingin sa akin dahil hindi ako tumitigil sa pagkilos sa loob ng bahay. "Ano ba naman ang mga ginagawa mo? Hindi ka natigil sa mga trabaho mo. Ikot ka ng ikot sa loob at labas ng bahay." Reklamo ni Eduard. Pagkaalis kasi ng mga kasama namin sa bahay ay nagsimuka na akong maglinis ng maglinis. Hugas ng plato at lahat ng mga kasangkapan na marumi. Walis dito, walis doon. Pagpag ng mga alikabok at saka naglinis na rin ako sa labas ng bahay. Si Eduard naman ay sunod ng sunod at saka nagsasalita ng nagsasalita dahil nga hindi na ako tumigi

