Hinabilin ko kay Makoy na huwag munang sabihin kay Aling Tasya ang tungkol sa aking tunay na kalagayan. Baka kasi hindi niya na ako pabalikin sa pagtatrabaho sa kanya bilang tindera kapag nalaman niyang buntis pala ako. Pinasabi ko lamang kay Aling Tasya na kailangan ko pa na magpahinga ng kahit isa pang araw para makabawi ng lakas at tuluyan na gumaling. Ngunit ang totoo, balak ko ng pupuntahan si Eduard para sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Hindi naman ako papasukin sa Village kahit pa anong dahilan at sabihin ko kaya aabangan ko na lamang ang aking asawa sa kanyang kompanya. Nakasuot ako ngayon ng isang presko na bestida na lampas ng tuhod ko. Kulay puti at pink ang kulay na may maliit na burda ng bulaklak sa laylayan nito. May maliit na belt sa bewang at ng inayos ko ay hindi ko

