"Mom?" Napaigtad pa ako ng may biglang humawak sa aking balikat. Abala kasi ako sa paghahanap ng mga pangalan na naka saved sa phonebook ng luma kong de-keypad na cellphone habang nakaupo sa dulo ng maliit na kama na hinihigaan naming dalawa ni Erin. Naghahanap ako ng pwedeng pag- tanungan kung alam nila kung nasaan ko posibleng matagpuan si Eduard. Aaminin kong naging maligalig ang isipan ko simula ng malaman ang mga nakakagulat na naging desisyon ng aking asawa. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang niya iniwan ang kanyang posisyon. Ang posisyon na pinaghirapan niyang makuha sa loob din ng maraming taon. Ang posisyon na saksi ako kung paano siya nagpursige upang masiguro lang na sa kanya mapupunta. Ano ang pinakamatinding dahilan niya para bumaba sa pedestal

