NAGISING SI ATASHIA sa init na dulot ng kanyang kayakap. Nang imulat niya ang mata ay nagisnan niya ang mahimbing na tulog ni Lance. Nasanay na siyang gigising na kayakap ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili pero gusto niya iyon. Waking up in the morning seeing his handsome face peacefully sleeping—feels nice. Naaamoy niya ang lalaking amoy nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanyang beywang kaya mas lalong napalapit ang mukha niya sa mukha nito. Napagmasdan niya ang mahahabang pilik mata nito, his prominent nose and his thin lips slightly parted. Natutukso siyang paraanan ng kanyang mga daliri ang medyo magulo nitong buhok at hawakan ang labi nito. She want to trace every outline on his face by her hand. She is really tempted to do so. Nataranta siya ng mari

