"Saan ang masakit sayo Ms. Dela Vega?" Tanong ng doktor na tinawagan kanina ni Lance. Pero casual lang ang suot nito. Napaka soothing ng boses nito, bagay sa napakagwapong mukha nito. Ang lakas din ng dating ng lalaki katulad kay Lance but he had this friendly aura all over him. Di katulad ng kay Lance na napaka domineering dahilan kung bakit mas naaakit siya rito. His name is Raven Villamore, nakita niya na ito dati na nagmodel sa isang magazine noong college pa siya. Sikat ito noon, palaging topic ng mga kaklase niya. Pero bigla na lang itong nawala at walang nakakaalam kung ano na ang nangyari rito. Somebody said na nag-asawa na daw ito . Pero mga tsismis lang iyon at haka-haka. Kanina pa hindi maalis ang titig niya dito. It was so overwhelming na makita ulit ng personal ang

