"Uyy, Atashia nasa labas si Lance . Kawawa naman yung tao araw-araw ng pabalik balik dito , di mo pa rin hinaharap. Halos doon na matulog sa kotse niya sa labas ng bahay. " Ani ni Annika sa kanya habang nakatayo ito sa gilid ng kama niya at nakapameywang. Tamad siyang umupo sa kama. It's been a week ng mahimatay siya at malaman ang kondisyon niya. She should be happy sa isinaad ng doctor. Of course she's happy .....but not completely. Ramdam niya pa rin ang sakit sa ibinalita ni Aina. "Sabihin mo na lang na pagod ako at ayaw ko siyang makita." Mahina niyang saad, parang nauubos ang lakas niya kahit sa pagsasalita lang. o iniiwasan yung tao? Kung ayaw mo na sa kanya sabihin mo ng harapan. Kung may nagawa siyang kasalanan , ipaalam mo sa kanya dahil mukhang clueless ata at parang tangan

