Kabanata 5
Isang linggo na ang nakalipas simula nang kumuha ako ng entrance exam sa university. Ang mga araw na iyon ay parang isang malabong panaginip. Puro trabaho sa bukid at pagtulong kay Nanay ang ginagawa ko. Sinusulit ko rin ang mga oras na kasama sila habang naghihintay ako tungkol sa resulta ng exam. Naisip ko rin ang tatlong babaeng nakilala ko sa university. Ang gaganda nila, ibang klase kumpara sa mga nakikita ko rito sa probinsya. Ang lalakas din ng mga aura.
Kung gano'n kagandang mga babae ang makikita ko ay hindi na ako a-absent.
Iniisip ko ang exam, ano kaya ang magiging resulta. Hindi pa ako nag-iimpake ng gamit, ayaw kong tanggapin na baka hindi ako pumasa. Parang ang bigat ng mundo ko, ang lungkot-lungkot isipin na hindi ako makakapag-aral, na hindi ko matutupad ang mga pangarap ko. Pero deep inside, alam kong nag-aral ako ng mabuti. Sana lang, sapat na 'yon para makapasok ako sa university.
Isang umaga, nagpapakain ako ng mga manok nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Miguel mula sa gate. "Jaycee! Jaycee! May maganda akong balita!" Himala at Jaycee ang tawag niya sa'kin ngayon.
Lumingon ako at nakita si Miguel na tumatakbo papalapit sa akin, ang mga mata niya ay kumikinang sa excitement, parang hindi na siya makapaghintay na sabihin ang balita.
"Miguel! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
"May email ka galing sa university," sabi niya, hingal na hingal. "Sinasabi sa email na nakapasa ka sa exam!"
He grinned and pulled out his phone, showing me the email.
The subject line read: "Congratulations! You've been accepted to Xavier University!"
The email continued:
Dear Jaycee,
Congratulations! You've been accepted to Xavier University for the academic year. You've also been awarded a full scholarship based on your academic merit and community service.
We look forward to welcoming you to our campus.
Pagbabasa ko may kasunod pa ito pero link na hindi ko na muna pinindot.
A wave of happiness washed over me. I did it! I passed the exam! And I got a scholarship! I was so happy, parang nag-explode ang saya sa puso ko.
Agad kong tinawag si Nanay na nasa loob ng bahay. "Nay! Nakapasa ako!"
I couldn't believe it. I looked at Miguel, my eyes wide with disbelief. He just smiled back, his face glowing with excitement.
"Nay! Nay!" I shouted, my voice trembling with joy. I couldn't wait to tell my mom the good news. I ran towards the house, my heart pounding with excitement.
I burst through the door, and there was my mom, washing dishes in the kitchen. She looked up, startled by my sudden entrance.
"Nay! Nakapasa ako sa exam!" I cried out, my voice choked with emotion. "At scholar pa ako!"
Nanay's eyes widened in surprise. She dropped the dishcloth and rushed towards me, her face beaming with pride. She hugged me tightly, her arms squeezing me as if she couldn't believe it herself.
"Oh, anak! Ang galing-galing mo!" she exclaimed, her voice full of joy and relief. "I'm so proud of you!"
She held me at arm's length, her eyes shining with tears. "I knew you could do it, anak. You've always been a bright and determined girl. You deserve this."
"Salamat, Nay," I whispered, tears welling up in my eyes. "Salamat sa lahat ng suporta mo."
Nanay just smiled, wiping away a tear from her cheek. "Always, anak. Always."
Just then, Tatay and Lito came rushing in, having heard the commotion. Lito, who had been napping, looked confused.
"Anong gaguluhan 'tong naririnig ko? Mukhang masaya kayo ah," Tatay said, his voice full of excitement.
I turned to them, a wide smile on my face. " Tay, kuya, nakapasa po ako sa exam! At scholar pa po ako!"
Ngumiti lang si Kuya Lito. "Alam kong makakapasa ka. Matalino ka at kahit ilang university pa siguro pag-entrance exam mo, papasa ka!"
Hindi makapaniwala si tatay at hindi alam ang sasabihin tapos tumawa siya ng mahina at sinabi..., "Aba, anak, ang galing-galing mo! Ipagmamalaki ka namin!"
I could see the pride in their eyes. It was a moment of pure joy, a celebration of all the hard work and sacrifice.
Ang saya ng pamilya namin ay parang nag-echo sa buong bahay. Para bang nagising ang lahat sa isang magandang panaginip. Kahit si Kuya Lito na mahilig matulog ay hindi na mapakali sa tuwa.
***
Napagpasyahan naming magkaroon ng maliit na selebrasyon para sa pagkapasa ko. Kami-kami lang sa bahay: ako, si Nanay, si Tatay, si Kuya Lito, si Bea, at si Miguel. Sabi ko kasi sa kanila, gusto ko lang ng simpleng pagdiriwang kasama ang mga taong mahal ko.
Sa gitna ng masayang chikahan, nasabi ko rin sa kanila ang plano kong mag-enroll muna at pagkatapos ay mag-focus sa paghahanap ng apartment at trabaho. Tinanong nila ako kung sigurado ba raw ako sa gusto kong mangyari. Sabi ko naman sa kanila, "Ayos lang ako. Para sa akin naman ang gagawin ko. Makakatulong din siguro iyon para mahanap ko ang sarili ko, ang mga nawawala kong ala-ala, at kung sino nga ba talaga ako."
I know the next few days won't be easy. But I'm ready. I am ready to face all challenges. I am ready to start a new chapter in my life.
The next day....
Nag-ayos ako ng mga gamit ko ngayon sinigurado kong kumpleto ang mga kailangan ko para sa enrollment. Binuksan ko rin ang ipon ko at binilang, iniisip ko kung kasya na ba ang ipon ko. Nagbigay din sa akin sila Nanay ng dagdag na pera. Malaking tuloy na rin ang mga ito.
"Anak, huwag kang mag-alala," sabi niya. "Nandito lang kami para sa 'yo. Sulatan mo lang kami kung may kailangan ka."
"Salamat, Nay," sabi ko, niyakap siya ng mahigpit. "Mahal na mahal ko kayo."Pagpapaalam ko sa kanila.
Nilagay ko na ang mga gamit ko sa taas ng tricycle at tinulungan naman ako ni tatay ilagay mga gamit ko hindi naman gano'n kadami ang dala ko at sumakay na agad ako sa tricycle ni tatay. Mag-eenroll ako ngayon at dala ko ang mga gamit ko dahil after ko mag enroll ay hahanap ako ng apartment na mura para makatipid ako at pagkatapos ay balak ko maghanap ng trabaho.
Nang makarating ako sa terminal ay nagpaalam na ako kay tatay at nagpasalamat. Maganda at maayos amn ang buhay ko Bukidnon pero may kulang pa rin sa akin na sa tingin ko ay kailangan kong mahanap.
Sumakay na agad ako ng bus at buong biyahe ay natulog lang ako. Nagising lang ako mahinang tapik sa'kin ng conductor at sinabi nito na nandito na raw kami. Nagpasalamat ako rito at bumaba na rin.
Tumingin ako sa paligid. Wala akong makitang tricycle pero may nakita akong taxi. Balak ko sanang lakarin nalang pero ang bigat ng mga gamit ko at medyo pagod pa rin ako sa biyahe. Napasapo nalang ako sa noo ko. Mali yatang dumiretso ako rito, dapat pala naghanap ako muna ako apartment na pwedeng pag-iwanan ng mga gamit ko dahil hindi ko naman pwedeng isama ʼto sa loob ng campus para akong ewan. Aha! May naisip akong magandang idea pwede naman sigurong iwan ko muna sa taxi mga gamit ko habang nag eenroll ako tapos sabihan ko si manong driver na balikan ko nalang siya pagkatapos ko mag enroll. Ang talino ko talaga akalain mo naisip ko pa 'yon!
Sasakay na sana ako sa taxi na paparating pero may naunang sumakay sa' kin.
Ilang minuto pa ang lumipas, at sa wakas ay may isang taxi na huminto sa harap ko.
"Sa university po," sabi ko sa driver. "Alam niyo po ba ang daan?"
"Oo naman, hija," sagot niya. "Sumakay ka na."
Sumakay ako sa taxi, at sinabi ko sa driver ang address ng university. Habang nagmamaneho kami, hindi ko maiwasang mamangha sa kagandahan ng siyudad. Ang dami ng tao, ang dami ring sasakyan, at ang dami ring mga gusali. Parang ang layo na ng narating ko mula sa probinsya.
"Magdo-dorm ka ba ma'am at ang dami mong dala" tanong ni manong sa'kin.
"Ay, hindi po manong, balak ko po sanang humanap ng apartment" sabi ko. Tumango lang ito.
"Manong tanong ko lang po pwede po bang iwan ko muna sainyo gamit ko kapag nandun na tayo, mag e-enroll lang po ako at babalik din agad ako." tanong ko rito na medyo alanganin hindi ako sigurado kung papayag si manong.
"Oo naman ma'am , walang problema sa'kin"
"Talaga po ba manong? Baka matagalan po ako pero dadagdagan ko nalang po ang bayad ko sainyo at oras niyo."
"Ano kaba ma'am , ayos lang sa'kin at isa pa may anak din ako kaya alam ko kaya alam ko ang pakiramdam" sabi pa nito ng nakangiti.
"Maraming salamat po manong! Hulog kayo ng langit! Sana marami pa pong kagaya niyo" gusto ko na yakapin si manong pero pinigilan ko lang.
Dami kong nakikilala na may mabuting puso siguro no'ng past life ko sobrang bait ko ngayon lang nag iba. Natatawa nalang ako sa pinag-iisip ko.
"Ma'am nandito na po tayo" sabi ni manong.
Bumaba ako at agad ng nagbigay ng bayad kay manong. Sinabi ko pa rito na hintayin niya ako, itatabi lang daw nito sa gilid ang taxi niya. Ang bilis kong magtiwala sa tao, alam kong posible akong lokohin ni manong pero nagtiwala pa rin ako sakanya. Kung sakali man na lokohin ako ni manong ay puro gamit ko lang naman ang makukuha niya dahil nasa akin ang pera ko at mga kailangan ko para mag enroll.
Lumakad na at nakita ko si manong guard.
"Magandang umaga kuyang guard siguro naman po hindi niyo na ako haharangin" pabirong sabi ko rito.
"Pasensya ka na talaga last time ma'am hindi ko po alam"
"Nagbibiro lang po ako kuya, sige po kuya mauna na po ako"
"Sige, ma'am ingat ka po!"
Pumasok na ako sa loob ng campus at inilabas ang mapa na binigay pa sa'kin nung masungit, hindi ko man lang natanong pangalan nito dahil pinalabas agad ako nito. Hindi ba siya mahal ng mama niya at gano'n ang ugali niya.
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang sinusundan kung ano ang nasa mapa. Mahaba haba rin ang nilakad ko. Pagdating ko sa nurse building ay may mahabang pila. Lumapit ako ro'n at nagtanong sa isa sa mga nakapila kung ʼyon ba ang ay enrollment. Tumango lang siya sa'kin kaya nakapila na rin ako. Masyado yata akong maaga dahil hindi pa naman gano'n kahaba ang pila.
Nang makarating ako sa enrollment desk, agad kong ibinigay ang envelope na naglalaman ng mga papeles na kailangan ko at sinabi nito na maghintay daw ako. Ilang sandaling paghihintay pa ay may inabot ito sa'kin. Tinignan ko ito at ito ay mga schedule ko. Pagkatapos sinabi nito sa akin na mag-proceed sa ID processing center na agad kong sinunod. Mabilis lang ang proseso at ilang minuto lang ay nakuha ko na ang student ID ko.
"Congratulations, Ms. Jaycee," sabi ng staff sa ID processing center.
"Salamat po," sabi ko.
Pagkatapos ay nagmamadaling umalis ako dahil baka umalis na si manong at dala ang gamit ko. Kakamadali ko ng takbo ay may nabangga akong lalaki. Naka suot ito ng sumbrero pero hindi kita ang mukha.
"Sorry miss, I didn't mean to bump into you" hinging paumanhid nito.
"Ayos lang kuya" sabi ko pa rito.
Tumingin ito sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero bakit parang kamukha ko siya? Bigla nitong sinabi na.
"I'm really sorry miss but I'm in a hurryitong" huling sabi nito at tumakbo.
Pagtingin ko rito ay may hinahabol itong babae. Kaya pala siya nagmamadali may hinahabol.
Hindi ko nalang inisip ʼyong nakita ko kanina baka naghahalucinate lang ako. Lumakad na lang ulit ako. Nang makalabas ako sa gate ay hinanap ko agad ang taxi ni manong. Pagtingin ko kung saan ko iniwan kanina taxi ni manong ay nandun pa rin siya. Nakakapagtaka na hindi pa umaalis si manong, nagkibit balikat nalang ako at lumapit dito. Kumatok pa ako sa bintana at binuksan naman ni kuya ang pinto.
"Akala ko manong umalis na kayo" I said at pumasok na sa loob ng taxi.
"Buti po ma'am mabilis lang kayong natapos?" tanong nito.
"Oo nga po, siguro po dahil maaga ako kaya wala pa ang iba" sabi ko pa.
"Saan po tayo niyan ma'am" tanong nito.
"Naghahanap ako ng apartment manong baka may alam ka po o nadaanan?" tanong ko rito.
"Ay oo ma'am may nadaanan ako kanina pero malayo layo po rito" sagot nito.
"Hulog ka po talaga ng langit manong ang laki pong tulong niyo"
"Wala po iyon ma'am nakikita ko po kasi sainyo ang anak ko" sabi nito.
"Nasaan na po ba siya?" tanong ko.
"Wala na po siya ma'am, kinaha na siya agad sa akin"
"Pasensya na po manong nagtanong pa ako" sabi ko.
"Ayos lang po ma'am" sabi nito.
Pinaandar na nito ang taxi. Nag-uusap lang kami ni manong buong biyahe sobrang bait ni manong kaya ang laki ng tiwala ko rito. Tama ang nararamdaman kong mabait siyang tao. Hininto nito ang taxi. Napatingin ako sa labas, ito na yata ʼyong apartment. Bumaba na ako at sinabi kay kuya na sandali lamang. Pumasok ako sa loob at hinanap ko ng may-ari ng apartment. Lumabas naman ito galing sa isang bahay. Dinig na dinig ko ang boses nito. Ilang linggo na raw pero hindi pa nakakabayad, siguro ang tinutukoy nito ay isa sa mga nag rent ng apartment. Napatingin naman ito sa gawi ko ng mapansin niya ako.
"Hi, po ask ko lang po about sa apartment. Balak ko mag rent." sabi ko rito.
Bigla naman lumiwanag ang mukha nito at tuwang tuwa.
"Ganon ba, tara halika rito. Lilipat ka na ba agad dito? dala mo ba ang mga gamit mo? Sunod sunod na tanong nila.
"Teka lang po at mahina ang kalaban, isa isa lang po ng tanong. Actually po dala ko na po ang mga gamit ko at nasa labas ito nasa loob pa ng taxi"
"Bakit hindi mo sinabi agad, halika na at kunin na natin ang mga gamit mo" lumabas kami at tinulungan ako nitong ipasok ang mga gamit ko sa loob. Pati si manong ay tinulungan ako. Dalawang maleta lang naman ang dala ko hindi naman ito gano'n kabigat.
Bago ako pumasok sa loob ay nagbayad ako kay manong ng sobrang at nagpasalamat dito.
Pagkabalik ko sa loob ay binigay na sa'kin ng land lord ang susi.
"Ayan ang susi mo at nasa 2nd floor ang room mo sa pangalawang kwarto at siya nga pala magbabayad ka na ba? "
Inabot ko rito ang bayad. Nakita ko kanina sa labas kung magkano ang renta kaya nagbayad na ako para sa pangdalawang buwan ko. Tuwang tuwa naman itong kinuha ang bayad ko. Umakyat na agad ako dala dala ang gamit ko. Pagdating ko sa pinto ay binuksan ko na ito gamit ang susi. Pagkabukas ko ay pinasok ko na ang gamit ko. Pinagmasdan ko ang buong silid hindi ito gano'n kalaki at kaliit. Sakto lang ang laki nito para sa akin. Una kong pinuntahan ang kwarto daldala ang gamit
Una kong pinuntahan ang kwarto, dala-dala ang mga gamit ko. Balak kong maligo para makalabas. Mag-grocery ako ng mga kakailanganin ko at nagugutom na rin ako. Wala akong maluluto, buti na lang may ref din dito.
Pumasok ako sa banyo, pero naalala kong wala akong dalang towel. Pero napansin kong may towel pala sa banyo kaya naligo na agad ako. Mamaya na lang ako maghahanap ng damit pagkatapos maligo.
Pagkatapos kong maligo, nakatapis lang ako ng tuwalya. Naghanap ako ng damit sa maleta ko at nagbihis na.
Matapos magbihis, umalis na ako. Saktong pagbaba ko, nakita ko ang landlord. Tinanong ko agad ito kung may alam itong convenience stores. Sabi nito ay meron daw diyan. Sumakay lang daw ako ng tricycle.
Nagpasalamat ako rito at lumabas na. Maraming tricycle sa labas, ganito ba talaga rito? Nagtawag na ako ng isang tricycle at sumakay na. Sinabi ko rito kung saan ako. Nang makarating kami, nagbayad na agad ako at bumaba. Dumaretso na ako sa convenience stores.
Kumuha ako ng mga itlog, gatas, tinapay, prutas, gulay, isda at bigas. Bumili rin ako ng manok. Naisip kong pwede ko i-freeze ang manok para sa ibang araw. Pero naisip ko rin kailangan ko ng mas maraming pagkain para sa isang linggo. Kaya bumili pa ako ng karagdagang bigas, mas maraming gulay, at ilang de-latang sardinas at corned beef for protein, siyempre kailangan natin 'yan. Inilagay ko ang mga lata sa basket. Naisip ko din na kailangan ko ng mas maraming gatas, juice, at tubig para sa isang linggo.
"Okay na ito," sabi ko sa sarili. "May sapat na ako para sa isang linggo."
Pagkatapos ay nagbayad na ako at umuwi sa aking apartment.
Pagkatapos kong maayos ang mga pinamili, nagpasya akong magluto ng adobo dahil wala pa akong kain mula kanina.
Nag-ayos na ako ng mga sangkap: manok, bawang, sibuyas, toyo, suka, at paminta.
Sinindi ko ang kalan at nilagay ang kawali. Nang nag-init na ang kawali, nilagyan ko ito ng kaunting mantika at inilagay ang bawang at sibuyas. Pagkatapos, dahan-dahan kong inilagay ang manok at hinayaan itong maluto.
Habang naghihintay, nag-setup ako ng maliit na mesa at inihanda ang mga kailangan: isang plato, kutsara, at baso para sa tubig. Habang nagluluto, naisip ko ang mga plano ko para sa susunod na mga araw.
Matapos ang ilang minuto, handa na ang adobo. Inilagay ko ito sa ibabaw ng kanin na aking niluto. Tiningnan ko ang kanyang nilutong pagkain at ngumiti. "Sobrang sarap nito," sabi ko sa sarili.
Nagsimula akong kumain at habang tinikman ang bawat subo, naisip ko na sila Nanay at mga kaibigan ko kumusta na kaya sila.
Sunday pala ngayon at bukas na ang simula ng klase.
Biglang nag-flash sa isip ko ang mukha ng lalaking nakabunggo ko sa campus. Parang pamilyar siya, pero hindi ko mawari kung saan ko siya nakita. Bakit parang kamukha ko siya?
Napailing ako. Siguro naghahalucinate lang ako dahil sa pagod.
Pero may isang bagay na sigurado ako: Handa na ako para sa bagong kabanata ng buhay ko. Handa na akong harapin ang lahat ng hamon. Handa na akong tuklasin kung sino talaga ako.