CHAPTER 3

1356 Words
I look at everyone with my usual cold look. "Go back to work." I said before confidently walk out of that floor and enter the private elevator that I'm the only one that is allowed to use. I am the official CEO of Guerrero's Corporation. May mga branches ito all over the Philippines and other countries. I'm the one who takes over my grandfather's position because I'm the eldest grandchild. Wala namang agawan ang naganap sa posisyon because my other cousins have no interest in business. Ang iba naman na may interes ay may posisyon sa kompanya and they're managing the other branches. Alam ko ang rumors sa akin sa loob ng kompanya ko. They are all afraid of me. As they should. I only hire competent employees. They sometimes call me names like I'm a witch, a heartless boss, and whatsoever but I don't care. Like duh? It's true anyways. I am a heartless boss. If I find you incompetent, hindi ako mangingiming tanggalin ka sa trabaho mo kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin mo sa harap ko. But if you're a competent employee, you'll like it here sa company ko because there's a lot of incentives and the salary is high kaya kahit mag fire pa ako ng mag fire ng empleyado ay madami akong pwedeng ipalit. "Is the engineer coming or not?" inis kong tanong sa secretary ko. I've been waiting here for 30 f*****g minutes! How dare that man make me wait this long! "Ma'am he's on his way na daw po, na stuck lang sa traffic dahil rush hour na." mabilis na sagot ni Angie. My very trustworthy secretary. "I'll only wait until 5pm. Kapag hindi pa siya dumating, I'll hire another engineer na kayang mag manage ng time niya! Arghh!" I exclaimed. Tumango naman ang secretary ko bago lumabas ng opisina. PRIMO'S POV Anak ng! Inis kong pinindot ng paulit ulit ang busina ng kotse ko. Tangina ano bang ginagawa ng driver nitong nasa unahan ko at ang tagal gumalaw! Green light na oh! Kainis! Sobrang late na ako sa meeting. Kasalanan to ng mga barumbadong driver eh! May mga bumosena na ring kotse sa likod ko. Oh I feel you mga bro! Kanina pa din ako inis dito. Hayup na yan! One lane lang din kasi tapos traffic pa amputek! Rush hour na din. Mabilis kong sinagot ang tawag ng magring ang phone ko. "Good afternoon, this is from Guerrero's Corporation. Can I talk with Engineer Alonzo?" rinig kong saad ng kabilang linya. "Hello, yes. Speaking." seryoso kong sambit habang nakatingin pa rin sa harapan. Sobrang bagal talaga! "Sir, makakapunta po ba kayo sa meeting ngayon? The CEO of Guerrero's Corporation is already waiting for your arrival." "Yes, yes. I'm on my way to the Guerrero's Corporation building. I'm so sorry na stuck lang ako sa traffic." mabilis kong sagot at huminga ng malalim. "Okay engineer, have a safe drive. Thank you." "Hayyy!" pabuntong hininga ko ng medyo lumuwag luwag ang kalsada. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse dahil hanggang 5pm lang daw maghihintay ang CEO at maghahanap na ng bagong engineer. Hayup na yan! Hindi pwedeng mabalewala lang ang paghihirap ko sa traffic na iyon kanina! Dala ko na ang ginawang blueprint ng Hotel at ito ang ipapakita ko sa CEO ngayon. Irereview niya lang kung magustuhan niya at kung may gusto din ipabago o isuggest. "Hi, I'm Engineer Alonzo. I have an appointment with the CEO I'm just—" pinutol ng receptionist ang sinasabi ko at halang nagmamadali siya. "Good afternoon Engineer Primotivo Alonzo, Last floor po. Madame CEO is already waiting. " nakangiti nitong sambit sa akin. Napatango tango naman din ako at kinuha na lamang ang card na ibibigay ko sana for identification at naglakad papuntang elevator. Pagkapasok ko sa elevator ay madaming empleyado pero nakisiksik pa din ako. Hindi pwedeng hindi! May narinig pa akong reklamo sa likod. "Ano ba yan! Alam ng puno na eh sumiksik pa talaga!" may inis sa boses nito kaya napangisi ako. "Pasensya na po, nagmamadali lang." sambit ko. "Bago ka ata, ngayon lang kita nakita eh." kunot nuong tanong sa akin ng isang babae. Ano ba yan! Madami palang marites dito, akala ko sa barangay lang namin meron eh. "Hindi, may appointment ako sa boss niyo." nakangiti kong sambit. Tumahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Huh? Takot sila sa boss nila? Sabagay, sabi ni Zeke eh masungit daw iyong CEO nila dito. Kinabahan tuloy ako dahil sa bawat hinto ng elevator at paglabas ng mga kasama kong empleyado ay sinasabihan nila ako ng Goodluck. Butil butil na ang pawis ko kahit aircon naman sa loob. Napatingin ako kasamahang lalaki na mataba. Tingin ko papunta din ito sa opisina ng big boss eh may dala itong folder pero kalmado lang naman. Ngumunguya pa nga ng bubble gum eh. Langya! Sana all! Tiningnan ko ang relo at nakitang 4:40 pm na. Ayos! Makakaabot pa ako. Inayos ko muna ang hitsura at siniguradong pormal at maayos ang pustura bago humarap sa boss. Tiningnan ko ang repleksiyon sa elevator.Confident naman na ako sa gawa ko dahil pinakita na ito ni Zeke sa CEO ng Guerrero's Corp at nagustuhan naman nito iyon. "Hindi uubra kay madam ang kapogian." matabang na sambit ng kasama ko. Huh? Ako ba kausap niya? Nakaharap kasi siya at hindi ako nililingon. Tsaka hindi naman ang nagpapapogi, alam ko naman ng pogi ako. Naunang lumabas sa elevator ang kasama ko kaya sumunod na lang din ako. "Engineer Alonzo?" napabaling sa akin ang isang babaeng may malalaking eye glasses. Sa wari ko ay ito ang secretary ng boss dahil kaboses niya ang tumawag sa akin kanina. Ngumiti ako ng malapad. "Uh hi, yes I'm engineer Alonzo. I'm so sorry for being late." pagpapaumanhin ko. Bad shot agad! Mabuti na lang malakas ang kapit ko kasi si Zeke mismo ang kumuha sa akin bilang engineer. Maganda din naman ang credentials ko kaya pasok din. Malaking project ito, agad ko ngang kinancel ang iba kong project para maisingit ito. "Uhm kay Miss CEO niyo na lang po sabihin iyan hehe." sambit na secretary na mas nagpakabog sa dibdib ko. Gagu! Talaga bang masungit iyon? "Ahh okay, can I go insid—" "Angie, ako muna need ko na itong papermahan kay miss CEO, bukas na to eh!" pagsingit noong matabang lalaki. Pinutol pa talaga ang sinasabi ko. Bastos! "Mr. Del Rosario!" kinakabahang sambit ng sekretarya bago tumalikod sa akin pero bumalik din paharap. "I'm sorry engineer, pwede po kayong maupo muna." may paumanhin sa boses niya at agad ko siyang tinanguan. "Sure! Sure! No proble—" "WHAT THE f**k IS THIS?!" Pareho kaming napalingon sa loob ng opisina ng makarinig ng malakas na boses. Mabilis na kumilos ang sekretarya at pumasok sa loob. Hindi ko napigilan ang kuryosidad at dahan dahan din naglakad papalapit sa naka umang na pintuan. "I'm sorry miss, bigla na lang siyang pumasok eh." sambit ng sekretarya. Iyon ang naabutan ko. Hindi man lang bumaling sa direksiyon namin ang CEO at hinarap ang matabang lalaki. "Obviously, that's my report madame and as yo—" "REPORT?! ARE YOU FOR REAL?! THIS IS A f*****g TRASH! GET OUT AND YOU'RE f*****g FIRED!" napaigtad pa ako dahil sa boses niya. Kaya pala Goodluck ng goodluck ang ibang empleyado sa akin kanina. s**t! Dragon ang boss nila! "What?! You can't do that! Matagal na ako sa kompanyang ito! Simula pa noong ang lolo mo ang namamahala dito. You can't fire me!" pagtanggi pa ng matabang lalaki. Mas lalong nagalit ang CEO dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Lagot! Napakagat labi na lamang ako habang hinihintay ang bulyaw ulit niya pero wala akong narinig. Instead, I saw her smirk dangerously. "Oh, watch me, Mr. Alex Del Rosario. I'll make sure no company will ever hire an incompetent employee like you!" kalmado at nakangiti nitong sambit pero sobrang nakakakilabot iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kabuoan ng kaniyang mukha ng tumingin siya sa aming direksiyon. Teka... Tangina?! Watdapak? Siya iyon! Iyong nireject ko sa bar na pag aari ni Louie! Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD