Kabanata 11: Ikaw ba?

2031 Words

Molly "Babaita, gumising ka na riyan! Late ka na!" Pinalo ako ng unan ni Kamille sa ulo dahilan para mapaungol ako. "Maaga pa naman," pagmamaktol ko. "Anong maaga pa? Mag a-alas otso na! Siraulo ka," singhal niya. Hinila niya ang aking kamay at pilit niya akong binabangon. Ayokong makita ang gagong iyon. Kaya kahit matanggal pa ako sa trabaho ay wala akong pakealam. Matapos ang ginawa niya sa akin? Tingin niya matutuwa ako? Pumayag akong gamitin niya kapalit ng pagtulong niya sa akin na makuha ang ari-arian ng mga magulang ko mula sa mga kamag-anak ko, pero hindi tama na gawin niya iyon sa akin. Hindi ko siya mapapatawad. "Kanina pa tawag nang tawag ang boss mo. Mamaya siya pa ang pumunta rito at magsundo sa iyo..." Ding dong... Mabilis akong napabangon at napatingin kay Kamille.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD