“Buti naman.” Naisagot ko na lang. Wala na akong ma-topic, e.
“What about you. Do you have a lot of friends?” He asked.
“Well, dati marami.” Sabi ko bago inubos ang kape na iniinom ko. “Pero ngayon, kahit isa wala na akong itinuturing na kaibigan.”
“Alam ko kung bakit.” Aniya.
Masama ko siyang tinitigan. “Alam ko ang sasabihin mo. Kasi troublemaker ako, ganun?”
“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” Aniya, parang inosente. “Alam mo, masaya magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na kasama mo sa mga bagay na may sense, o halaga, hindi kaibigan na kasama sa gimmic at party-party. I didn’t like complicated person and complicated situation.”
“Edi, ayaw mo pala sa akin?”
Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin at bahagyang tumawa. “Medyo.”
Pinandilatan ko siya. “You! Bwisit ka talaga!”
“Oh, huwag kang mag-eskandalo rito.” Pigil niya na para bang mas iniinis ako. “Kaya wala kang kaibigan. Dragon ka kasi, ang bilis mo magalit para kang nag-aapoy.”
Pumikit ako kasabay niyon ang paghugot ko ng isang malalim na hininga, kasing lalim ng pasensya kong inilalabas ngayong araw. Hindi na rin ako nagsalita para wala akong masabi. Damn this man, sa tanang ng buhay ko ngayon lang ako nagpigil, ngayon lang ako hindi pumatol sa mga bwisit na katulad niya.
Kanina naman maayos siyang kausap at kasama. Ngayon, parang ginagago na niya ako.
I cleared my throat. Napatingin sa gawi ko si Aragon. There was no expression on his face.
Ano ‘to. Mood swing? Daig pa babae.
“Tara na, ba?” Tanong ko sa kanya.
“Wait, may hinihintay lang ako.” Sagot niya habang busy sa pagtitipa sa cellphone.
“Sige. Bilisan lang kamo niya. Gusto ko na umuwi.”
“Bro!”
Napabaling ako sa sumigaw at nakita ko ang dalawang lalaki na may kasamang isang babae na mukhang maamong tupa ang mukha pero hindi ko gusto ang tindig niya. Para kasing may naaamoy akong hindi maganda, na-sesense ko ‘yung pagkatao niya!
Judgemental talaga ako.
“Wait, bro. Who is she?” Tanong ng isang lalaki na mukhang playboy. But in fairness ang gwapo niya rin.
“A little sister of mine. Inaanak ni Mom and Dad.” Mabilis na sagot ni Aragon.
Fuck you, Aragon! A little sister? Purket ba mas matanda siya nang tatlong taon!?
Umupo ang tatlo at nginitian ako, katabi ko sa magkabilang gilid ang dalawang lalaki habang ang isang babae ay tumabi kay Aragon na mukhang gusto naman ni Aragon.
“Olive, mga kaibigan ko.” Segunda muli ni Aragon. “Si Christian, Luna and Dave.”
Binalingan ko silang lahat. “Hello. I am Olive Perez.”
“Hi, Olive!” Magiliw na bati ‘nung Luna.
Ngumiti ako bilang tugon.
“You’re a beautiful. Feeling ko na love at first sight ako.” Komento ng lalaking playboy.
Tumawa ako ng mahina sa sinabi nito. “Liar. Ganyan talaga ang mga playboy.”
Ngumisi itong isang lalaki na nakasalamin. “Binggo my friend. Totoo ‘yan.”
“f**k you, Dave! Shut your f*****g mouth!” Singhal nitong Christian.
“What?” Inosenteng sabi ni Dave at nagbangayan na ang dalawa sa magkabilang side ko.
At dahil nga naiinis ako sa kaingayan nila bumaling ako kay Aragon at sa babaeng katabi nito. Mukhang nag-eenjoy sila sa pag-uusap, parang wala kami sa tabi nila, para silang walang kasama at nakakainggit ang mga ngiting itinatapon ni Aragon sa babae. Agad na nasira ang mood ko sa aking nakikita. Ibang-iba siya kapag ako ang kausap. Nakakainis!
“Kuya Aragon.” I called him. Sumingit na ako sa pag-uusap nila at para mapanindigan ang pagtawag niya sa akin ng litter sister, gumamit na ako ng ‘Kuya.’ “Gusto ko na umuwi.”
“Alam mo pabalik?” Tanong niya.
Walanghiya! Huwag niyang sabihin na pababalikin niya akong mag-isa!
Pagtatawanan niya ako for sure kapag sinabi kong hindi. Ikinuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng mesa para pigilan ang sarili ko. Mauubos na ang upos ng pasensya ko.
“Oo, alam ko.” Walang buhay kong sagot.
“Pwede kita ihatid.” Pag-ooffer ni Christian.
“No, it’s okay. Gusto ko rin maglakad-lakad mag-isa.” Pagtanggi ko.
Kumaway si Christian sa akin habang papalayo ako sa kanila. Nang tuluyan na akong makalayo sa cafeteria sumiring ako sa hangin dahil sa inis ko. Bakit ba ang daming epal sa mundo? Tsk.
Naglakad-lakad muna ako, ayoko pa sumakay gusto ko muna mag-aksaya ng oras rito sa daan. Boring rin naman kung makakabalik ako kaagad tapos tutunganga lang ako sa kwarto. As I walked down the street, I heard a plaintive meowing. The kitten ran to me and began wrapping its tail around my legs. I couldn't help but feel my heart warmed by its adorableness, so I sat down and picked it up.
“Miming, nasaan ang Mommy mo?” Pagkausap ko sa kuting na akala mo’y sasagot ito sa akin.
“Meow, meow.” Sumagot ang kuting.
“Gustuhin man kitang iuwi kaya lang malayo kami, e. At saka hindi kasi ako dito nakatira.” Hinimas ko nang hinimas ang ulo ng kuting. “Sorry miming..”
“Orange!”
Sabay kami ng pusa na napalingon sa sumisigaw na babae. Siguro mga kasing edad ko siya. Lumapit ito at kinarga ang pusa, mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. Matapos niyang yakapin ang pusa, lumingon siya sa akin na may ngiti sa mga labi.
“Hi, salamat for saving my kitten.” Mahinhin nitong wika. “Akala ko kung saan na siya napadpad. Natakot ako na baka tumawid siya at masagasaan." Makikita ang pangamba sa mga mata nito.
Sapilitan akong ngumiti. “He-hello. Sa iyo ba ang pusang iyan?” Tanong ko sa kanya para makasiguro.
Tumango-tango siya na hindi pa rin naaalis ang magandang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam pero sa tuwing may friendly smile sa labi ng kapwa ko, tapos ako pa ang nginingitian medyo na-wewerduhan ako. Basta weird ang ngiti niya. Siguro kasi wala akong kaibigan at walang gustong makipagkaibigan sa akin. B*tch nga daw kasi ako kaya ganoon.
“Okay.” Simple kong sagot bago humakbang palayo sa kanya.
Nakakailang hakbang pa lamang ako nang tawagin ako ng babae. Lumingon ako sa direksyon niya na nakataas ang isang kilay.
“Gusto kitang ilibre sa malapit na coffee shop diyan. Bilang pasasalamat-”
“No thanks. May kailangan rin kasi akong gawin. I don’t have enough time.”
Pagkasabi ko niyon, muli akong naglakad papalayo sa kanya kahit na alam kong hindi alam ng mga paa ko kung saan tutungo. Gusto kong bumalik sa coffee shop at murahin si Aragon mula ulo hanggang paa! Argh!
Padaskol akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa Park. Maraming ilaw at maraming upuan ang bakante at dahil nagrereklamo na ang mga paa ko sa pagod, umupo ako sabay hugot ng malalim na hininga habang nakatingala at pinagmamasdan ang kalangitan. Hindi ko napansin na medyo dumidilim na pala ang kalangitan.
Sinipat ko nang tingin ang relong pambisig ko at 6:00pm pasado na. Nakauwi na kaya si Aragon? Hmp! Bakit ko ba inaalala ang bwisit na lalaking ‘yon?
Ipinikit ko sandali ang aking mga mata upang damhin ang lamig ng simoy ng hangin nang maramdaman kong may tumabi ng upo sa akin. Handa na sana akong singhalan ang lalaking ito nang makita ko kung sino iyon.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko na may halong hinanakit.
Tiningnan niya ako sandali at bumalik rin agad ang tingin sa kalangitan. “I should be asking you that. What are you doing here? Are you looking for more trouble? You know your parents are looking for you.”
I rolled my eyes at him. “Gusto kong magpahangin. Ngayon, kung wala kang magandang sasabihin. Umalis ka na lang.”
“Wala naman akong pakialam sa’yo.” Sagot niya.
“Oh, wala naman pala, e. Tsupi!” Itinulak ko siya pero hindi nagpatinag ang gago.
Pinagpagan niya ang parte ng damit niya na hinawakan ko nang itulak ko siya na parang may nakakahawang sakit ang kamay ko. “I’m a responsible person. Baka gumawa ka pa ng kalokohan at ako pa ang mapagalitan. At saka, akala ko ba alam mo ang pauwi?”
“Alam ko!” Sumiring ulit ako sa hangin. “Sadyang gusto ko lang muna rito. Gets mo? Napadaan na rin lang ako, bakit ko sasayangin ang peaceful-”
“Napadaan?” Parang nagsususpetsya ang tono ng boses niya. “Stupid, malayo ang Park na ‘to sa daan kung saan pauwi. Paano ka napadaan sa lugar na ito?”
Lumunok ako sabay ubo para may excuse ako na hindi makasagot agad. Ayoko malaman niya na naliligaw ako at hindi ko alam ang pauwi! Hindi ako papayag na sabihan niya ako ng stupid! Baka maging totoo pa kung paulit-ulit niyang sasabihin ang katagang iyon!