Hindi na alam ni Olive kung paano siya nakarating sa ospital. Basta ang alam ko lang tumatakbo ako. Halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na nararamdaman ang paligid ko. Wala akong pakialam kung sino ang nakakasalubong ko, kung madapa man ako, o kung ilang beses akong muntik bumagsak. Kailangan ko makarating… “Kuya Aragon…” Paulit-ulit sa isip ko ang pangalan niya. Hanggang sa nakarating ako at nakita ko sina Ninang, Ninong at Luna. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. “Nasaan si Aragon?” halos pabulong kong tanong, hingal na hingal. Walang sumagot agad. Mas lalo akong kinabahan. “Please…” lumapit ako kay Ninang Cherry. “Ninang… nasaan po si Aragon?” “Nasa operating room…” nanginginig niyang sagot. Nanlalamig ang buong katawan ko. “Opera— b

