~Noah~ Wala sa sariling nakatingin lamang ako sa kawalan. Samot saring ingay ang naririnig ko sa paligid ko pero wala akong maintindihan. Wala roon ang isip ko kun'di na kay Lui. Kung ano anong pangit na imahe na ang sumasaksak sa utak ko, at 'yon ang tila mas lalong nagpapabaliw sa 'kin. Agad akong pinuntahan ng mga kaibigan ko sa hotel na pag-aari namin kung saan kami nag daos ng aming kasal pagkarinig nila ng balita. Baka nga karamihan sa kanila ay di pa nakakapikit ang mata ay napabalik bigla sa hotel nang malaman ang nangyari. Si Jason, Marvin at Klient ay nasa reception pa nga at umiinom kasama ng ilan pang mga bisita. Nabulabog lamang ang mga ito nang sabihin ng isa sa mga tauhang kinuha ko ang pag-alis ni Lui. "Hindi mo kailangan mag-alala, Noah. Babalik si Lui," b

