~Lui~ Hapon nang sumunod na araw na iyon, ay balak kong puntahan si Noah.. Ngunit kinausap ko muna ang anak ni Mang Pepito. Na kung maari niya ba akong ihatid, sa isla Monteverde. Siya kase ang nakatoka sa pagmamaniobra ng kanilang bangkang de motor nang araw na iyon.. Pumayag naman siya, kaya masaya akong nagpasalamat. Ngunit napagpasyahan kong bumalik na muna sa bahay upang makapagpaalam kila Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung papayagan nila akong pumunta ng kabilang isla ngunit idadahilan ko na lamang ang pagdalaw kila tita Babes. Kailangan ko na talagang makausap si Noah. Punong-puno ng excitement ang dibdib ko.. Kahit pa nga medyo dismayado ako. Dismayado ako. Kase naman! Ang sabi niya, papasundo niya ako kay Mang Ramil pero anong oras na wala naman sumun

