~Third Person Pov~ Malawak ang ngisi ni Noah nang maglakad ito papalapit kay Audrey na nasa ibabaw ng stage. That proud aura of him. Pero seryosong titig ng dalaga ang sumalubong sa kanya. Tila may nais ipahiwatig ang mga mata nito pero hindi niya mawari kong ano. Natunaw bigla ng ngisi niya. Hahawakan na sana niya ang dalaga nang malakas siya nitong itinulak. Sa lakas nga nun para ba siyang tinangay ng malakas na hangin! Dahilan para mapasadsad siya sa sahig. Napahawak agad siya kanyang baywang. Nakangiwing dumaing. Halos mapamura siya sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya. Sa laki niyang tao, naitulak siya nang gano'n kalakas na talagang tumilapon siya? What the heck! What's happening to her sinapian ba siya? Nasaktan siya mula sa pagkakasalampak sa sementong sahig.

