Palabas na kami ni Klei ng mall nang maisip kong may nakalimutan ako. Kailangan ko palang bumili ng regalo para kay Fea.
“Klei, mauna kana kaya. May kailangan pa kasi akong bilhin,” ani ko habang naglalakad.
Hindi kasi agad pumasok sa isipan ko iyon kanina. Iyan tuloy at kailangan ko pang bumalik sa loob.
Humarap naman siya sa akin. “Ako ang nagdala sa'yo rito kaya dapat ako rin ang kasama mo sa pag-uwi.” seryoso niyang utas.
“Eh.” Napakamot naman ako ng ulo. Nakakahiya naman.
Ang tagal-tagal ko kayang pumili. Bukas kasi ay kaarawan na ni Fea. As a friend ay gusto ko talaga siyang bigyan ng gift. Hindi naman siya masyadong materialistic na babae pero alam ko naman na gusto pa rin niya ng regalo.
Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang phone niya. Inilagay na niya iyon sa kanyang tenga. “Hello,” bati niya.
Pagkatapos nang pag-uusap nila ay humarap siya sa akin. Malungkot siyang tumingin sa akin. “I need to go. Sorry, Joyce. May emergency kasi.”
“Ayos lang sige,” I said and smiled assuringly at him.
“Bye. Text mo ako pang naka-uwi kana,” paalala niya.
Nabigla naman ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi at tumakbo na siya ng mabilis. Para pa siyang engot na sobra kung makangiti.
Lumakad na ako papunta sa isang store rito. Ano kayang magandang iregalo kay Fea?
Inisip ko ang mga possible gifts na gusto niya. Sa huli ay napili kong bilhan siya ng bag. Paborito niya kasi ang mga ganoon. Tuwing nagkikita kaming dalawa ay iba-iba talaga ang gamit niya.
Nang matapos na akong makapili ng swak sa kanyang taste ay pinili ko munang mag-stay rito sa mall. Masarap siguro kung mag-milk tea ako.
Naglalakad-lakad lang ako nang bigla ay may humila sa buhok ko.
The f! Ang dami tuloy nakatingin sa amin. Jusko naman Dessery bakit hindi mo ako malubayan.
“Bitawan mo nga ako,” inis na saad ko. Nakakahiya. Ang daming nanonood sa amin. Pinaka ayaw ko pa naman ang ganito.
“Hindi kita titigilan dahil sa ginawa mo!” sigaw niya sa akin at mas lalo pang hinila ang aking buhok. Gigil na gigil talaga sa akin.
“Pwede ba! Wala naman akong ginagawa sa'yo. Ikaw nga itong bigla-bigla na lang sumusulpot at inaaway ako,” mariin kong balik sa kanya.
Tumawa siya ng pagak at tinuro ako. “Itong babaeng ito,” saad niya at hinarap ang mukha ko sa mga taong nakatingin sa amin. "Ay malandi! Inagaw niya ang boyfriend ko. Siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay ng taong mahal ko.”
Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko at hinarap siya. “Huwag mo nga akong siraan. Kung may problema kayo ni Kurt huwag mo na akong idamay. Labas na ako sa mga problema niyong dalawa.”
Matalim siyang tumitig sa akin. “Kung iniisip mo na sinisiraan kita, then fine! Sisirain ko rin ang buhay mo dahil sinira mo ang buhay ko. Sinira mo ang relasyon ko sa taong pinakamamahal ko.”
“You can't fix yourself by ruining me, Dessery,” seryoso kong saad.
“Huwag mong sinasabi sa akin iyan! Ikaw nga ang naninira eh. Sinira mo ang relasyon namin ni Kurt. Nilandi mo siya!”
Akma niya ulit akong sasabunutan nang may pumigil na sa kanya.“Stop it, Dessery,” maawtoridad na sambit ni Kurt.
“Kurt, siya ang nagsimula nito,” nagpapaawang utas ng babae at tinuro pa ako na para bang ako talaga ang may kasalanan.
“Sa uulitin na gagawin mo ito kay Joyce baka makalimutan ko na babae ka,” galit na saad ni Kurt. Hindi pinansin ang pagmamakaawa ng babae kanina.
Inis na nag-walk out si Dessery.
Bumaling naman ang tingin sa akin ni Kurt. “Nasaktan kaba?” nag-aalalang tanong niya.
“Ewan ko sa'yo,” saad ko at mabilis na naglakad paalis.
Nakakahiya sa mga tao. May nag-video pa naman yata. Ano na lang sasabihin sa akin ni Daddy kapag nalaman niya ito.
Nang makalabas na ako ng mall ay agad-agad akong pumara ng taxi. Pasakay na sana ako nang may manghila sa kamay ko. May iba na tuloy nakasakay sa taxi.
“Sorry, Honey,” malambing na saad niya at niyakap ako.
“Ang landi-landi mo kasi! Pati tuloy ako nadadamay,” utas ko at tinulak siya.
Gusto ko lang namang mamasyal sa mall. Iyong milk tea ay hindi ko tuloy nabili. Kainis naman talaga oh. Gusto ko na lang maiyak.
“I'm really really sorry, Honey. Aayusin ko ang lahat para hindi ka na nasasaktan ng ganito,” nakatingin sa malayong bulong niya.
“Ayusin mo ang sarili mo para 'di na ako nasasaktan,” bagkus ay utas ko.
Napapiling siya at napatawa ng mahina. Tumingin siya sa akin ulit. "By the way. You look so sexy today.
Inis lang akong umirap sa kanya. Hanggang tingin lang siya. Hmp.
Pagkababa ko sa sasakyan ni Kurt ay nag-paalam na ako sa kanya na papasok na ako.
Siya na kasi ang naghatid sa akin papunta sa company.
Sa company na ako nagpahatid kasi naman ay kailangan ko pang kunin ang iba kong gamit at isa pa nasa parking pa ang kotse ko.
“Uy si Mam may boylet na naman. Akala ko talaga boyfriend niyo ay si Sir Klei,” pabirong salita ni Yvet. Baliw na secretary talaga ito.
“Tigilan mo nga ako Yvet,” napapapiling na saad ko na lamang sa kanya.
“Pero. Mam. Kung bet niyo po 'yung naghatid sa'yo. Sa akin na lang po si Sir Klei. Ilakad niyo naman ako sa kanya,” kinikilig na saad niya.
Tignan mo nga naman at siya pala ang may bet sa lalaki.
“Sige susubukan ko,” utas ko na lamang.
“Yieh. Talaga po?!” kinikilig na sigaw ng lukaret. Niyugyog niya pa ako.
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Daddy na busy sa phone niya.
“Hi, Daddy,” bati ko sa kanya.
Tumayo ito at hinalikan ako sa pisngi. “Hija, bukas ay may pupuntaan tayo.”
“Saan, Daddy?” tanong ko.
“Nag-ayang makipag-dinner sa akin si Mr. Martinez at sasasama ka. May mga importanteng bagay lang tayong pag-uusapan.”
Tumango na lang ako at nag-paalam na sa kanya na pupunta na ako sa aking kwarto. This day is too long and I am so tired.
Kinabukasan ng gabi ay nag-ready na ako para sa pupuntahan namin ni Daddy.
Nagsuot lang ako ng dress na above the knee. Kulay beige iyon at bagay na bagay sa akin.
Ilang minuto pa ay umalis na kami. Pagkadating sa isang restaurant ay nadatnan namin ni Daddy na nakaupo ang isang lalaking kasing edad lang niya.
“Good evening, Mr. Martninez,” bati ng aking ama at nakipagkamay rito.
Ako rin ay binati siya.
“Saan na nga pala ang iyong unico hijo?”
Magsasalita na sana si Mr. Martinez nang may na una nang magsalita kaysa sa kanya.
“I'm sorry, I'm late.”