Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga sa opisina para agad na matapos ang mga importanteng gawain. Ilang oras na akong nagtitipa sa laptop ko at patingin-tingin sa aking cell phone. Ni on ko ito at dismayado itong tinignan ng wala man lang ni isang text mula kay Kurt. Ano bang nangyari doon at hindi nagpaparamdam? Hindii ko tuloy maiwasang hindi mag-alala. Sinara ko ang laptop ko at pinaikot ang swivel chair. Tumingin ako sa kisame at doon tumunganga. Hays, kapag hindi pa siya nagparamdam hanggang mamaya ay pupuntahan ko talaga siya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at binuksan ito pagkatapos ng ilang sandali. Pagkatapos ay umayos na ako ng upo at humarap sa nakasara kong laptop. Binuksan ko ito ulit at nagsimula nang magtrabaho. Nang mag lunch ay tumingin ulit ako sa phone ko pero

