{Joyce} Chapter 5: Soon

1561 Words
Nagising ako nang may maramdaman akong bagay na pumatong sa aking bewang. Bahagya kong binuksan ang isa kong mata at sinilip kung ano iyon. Napamulagat ako nang makitang kamay iyon. Tapos ay napatingin ako kung kanino ang kamay. Kay Kurt. Dahan-dahan kong tinaggal ang kamay niyang nakapatong sa bewang ko. Babangon na sana ako nang bigla niya ulit nilagay ang kamay niya sa posisyon niyon kanina. This time nakayakap na siya ng mahigpit. Pinilit ko itong tanggalin pero mas lalo niya lang hinigpitan. "Mamaya ka na lang bumangon. Maaga pa," salita niya habang nakapikit pa rin. Tumahimik na lamang ako at inisip kung ano-ano nga ba ang mga nangyari kagabi. Napamulagat ako ng mga mata nang maalala kong hinalikan ko siya pagkadating namin dito sa condo niya. At ang natatandahan ko ay hinakit ko pa siya. Napapalo ako sa noo ko. Jusko naman, Joyce Clara! Nakakahiya ka. Sa ex mo pa talaga ka maglalandi. Tanga mo naman. Bakit ba lagi siyang nariyan kapag lasing na lasing ako? May nangyari ba sa amin? Napatingin ako ulit sa kanya at wala siyang damit. After that ay tumingin naman ako sa kung anong suot ko. "Ah!" sigaw ko. Grabe naman kasi. Naka bra lang ako at panty! Nagising si Kurt at mabilis na humarap sa akin. "Why are you shouting?" masungit na tanong niya. "Why are you shouting mo mukha mo!" inis kong sambit. "Inaano ba kita?" nakakunot noong tanong na niya sa akin. "Bakit ganito lang ang suot ko?" nahihiya kong tanong. Napayuko ako dahil namula ng bongga ang magkabila kong pisngi. Napatingin siya sa akin. "Bastos!" sigaw ko nang magpirmi ang mga mata niya sa dibdib ko. "Nasarapan ka naman ah," saad nito. May halo pang pang-aasar. "So talagang may nangyari sa atin?" hindi makapaniwalang sambit ko. Napasinghap pa ako. "Wala kang natatandahan?" "Bastos ka talaga! Sinamantala mo ang pagkalasing ko. Gagalawin mo na nga lang ako lasing pa ako. Kainis ka." Pinagpapalo ko siya. Hinuli niya ang mga kamay ko at mahigpit niyang pinaglapat ang kamay ko sa kamay niya. "Chill. Walang nangyari sa atin. Isa pa gusto ko na ikaw mismo ang magsabi pag gusto mo nang may mangyari sa ating dalawa," pagpapanatag niya sa akin. "Bastos ka talaga," mahinang saad ko. Bakit ba kinikilig ako sa lalaking ito? "Gwapo naman," habol nito tapos ay kinindatan ako. Kilig na kilig naman ako syempre. "Oo na lang," pabebe kong sambit at tumayo na. "Are you trying to seduce me?" pilyong tanong niya. Napamulagat ang mga mata ko tapos ay dali-dali kong kinuha ang kumot. "Bastos ka talaga!" ulit ko na naman sa katagang iyon. Tumawa lang siya ng malakas. Miss ko na 'to. Miss ko na 'yung kulitan namin. Buti na lang at naulit ito. Sana naman no awkwards moment na for us. "Saan nga pala 'yung damit ko?" "Kumuha ka na lang ng damit ko sa closet. Madumi na iyong damit mo." "Ah sige," sagot ko at naglakad na papuntang closet. Pero syempre bago ako pumuntang closet niya ay sumulyap muna ako saglit sa six pack abs niya. Pagkatapos kong kumuha ng damit ay nag-shower na ako. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto niya. Nadatnan ko siyang nagluluto. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko ay ang sarap niya pa ring pagmasdan. Half naked siya tapos ay naka apron. Paano naman hindi ako maiinlove sa lalaking ito? Parang biyaya siya ng Diyos mula sa langit. Napatingin siya sa gawi ko kaya naman dali-dali akong nag-iwas ng tingin. Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti din ako sa kanya. Sana ganito kami lagi. Sana palagi kaming ayos kahit na mag-ex na lang kami. Lumapit na ako at kumuha na ng mga plato. Pagkatapos niyang magluto ay inilagay na niya sa mesa ang mga pagkain. Tahimik lang kaming kumakain. Bigla namang pumasok sa isipan ko iyong nasaksihan ko sa parking lot. 'Yung sa kanilang dalawa ni Dessery. "Ahmm Kurt," pagtawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin. "Yes?" Itatanong ko ba? May karapatan ba akong magtanong? Argh! Huwag na nga. "Ah wala. Nevermind." Uminom na ako ng tubig. Nakatunganga ako ngayon kay Kurt na nag-siswimming. Nandito kami ngayong lahat ng magbabarkada kina Khloie. Sina Sceven,Kurt at Jace ay lumalangoy. Kami naman nina Khloie at Anya ay nagkukwentuhan dito sa may side ng pool. "Matunaw naman siya, Joyce," pang-aasar ni Anya tapos ay tumawa. Tinignan ko lang siya ng masama tapos ay ibinalik ko na naman ang tingin ko kay Kurt. Bakit ang hot ng lalaking 'to? "Kaya hirap na hirap kang mag-move on eh, Joyce," sambit naman ni Khloie tapos ay pinitik ako ng mahina sa ilong. Napapiksi naman ako. Tinignan ko siya ng masama. "Huwag mo ngang pitikin ang ilong ko." Tapos ay ngumuso ako. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa mag lunch time na. Nagbihis na ang mga lalaki at sabay-sabay na kaming pumunta sa dining room. Lafang na naman this. Buti na lang kahit matakaw ako ay hindi ako tumataba. Umupo ako sa tabi ni Anya. Bakante pa ang upuan sa isa kong side. Si Anya at Jace kasi ay magkatabi. At syempre si Sceven at Khloie ay magkatabi. Like duh. Hindi mo kaya mapaghihiwalay ang dalawang iyan. Relationship goals sila mga bessy. Pumoporeber sila. Umupo na sa tabi ko si Kurt. Kaya naman tuloy na-conscious ako sa pagsubo. Syempre nag-papa good shot ako sa kanya. You know naman na gusto ko siyang makabalikan kahit na hindi ako sure kung anong dahilan niya bakit siya nakipaghiwalay sa akin dati. At kahit na sobrang gulo ng utak ko. Move on ba o balikan? Dahan-dahan lang akong sumusubo at ngumunguya. Feeling ko kasi ay nakatingin siya sa akin habang kumakain ako. Humarap ako sa kanya at hindi ko na namang napigilang hindi kiligin nang mabatay na nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko at hindi ko naiwasan ang titig niya. Tumitig din ako pabalik sa kanya. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" kanta ni Jace tapos ay sumipol pa ang baliw. Napaiwas ako ng tingin kay Kurt at ibinalik na lang ulit ang pansin ko sa pagkain. Shet. Super kilig naman ako. Nag-iinit tuloy ang mukha ko. Kurt, ang galing mong magpakilig! Kahit walang ka effort-effort ay mapapakilig mo ako. Ang rupok ko talaga. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Ang mga lalaki ay pumunta sa may garden. Kami namang mga babae ay nasa sala. "So anong plano niyo ni Sceven, Wi?" tanong ko. Napakunot ang noo niya. "Plano? May kailangan kaming planuhin?" nagtataka niyang tanong. Napatawa ng malakas si Anya. Ako naman ay napangiti na lang sa pagka-ano ng bestfriend ko. Minsan talaga si Khloie ang slow. "What I mean is hindi niyo pa ba susundan si Stan?" Nanlaki naman ang mata niya. "Ano ka ba? Ni hindi pa nga nag-iisang taon si Stan namin eh. Saka na lang ang kasunod." "Ay sus. Malay ba natin baka bukas niyan o sa sumunod na araw ay bigla ka na naman magka pakwan sa tiyan mo," kantiyaw ni Anya. Sabagay. Knowing Sceven. Magkaparehas silang pervert ni Kurt. "Eh ikaw, Anya. Kailan niyo balak magpakasal ni Jace?"balik na tanong ni Khloie sa kanya. Bigla namang natahimik si Anya. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. Piniling niya ang ulo niya. "Wala naman. Tuwing nababanggit ko kasi kay Jace ang tungkol sa kasal-kasal ay bigla na lang mag-iiba ang mood niya," malungkot na sambit nito. Hinaplos ni Khloie ay likod ni Anya. "Intindihin mo na lang. Maybe hindi pa siya ready. Saka may tamang panahon naman siguro para sa inyo." "And be positive. Huwag kang mag-isip ng nega. Mahal ka ni Jace, ramdam mo iyon at alam nating lahat," I said and smiled at her. Totoo iyong sinasabi ko. I know Jace really love Anya. Hindi naman sila tatagal kung hindi sila nagmamahalan right? Isa pa kitang-kita naman sa mga mata nilang dalawa na nagmamahalan sila. Maybe Jace is not ready pa para makasal. Napatingin naman ako sa phone ko nang mag-ring ito. Kinuha ko ito at inexcuse ang sarili ko. Pumunta ako malapit sa garden dahil doon malakas ang signal. "Hello," sagot ko sa kabilang linya. It is Klei. "Hey," bati nito. "Bakit ka napatawag?" tanong ko. "I miss you, Joyce," saad nito. "Pwede ba tayong magkita ngayon? Pasyal tayo." "I miss you too," saad ko dahil totoo naman. Miss ko na ang pagiging makulit niya. Pagkatapos ay napakamot ako sa batok. "Ahhm bukas na lang tayo magkita. Nandito ako kasi ngayon kina Khloie." Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Okay. See you tomorrow. Bye." Binaba ko na ang tawag at maglalakad na sana ako nang mabigla ako dahil nasa likod ko pala si Kurt. "K-kurt." Matalim ang titig niya sa akin. "Ang sweet niyo naman ni Klei," sarkastikong saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Babalik na ako sa loob," sabi ko tapos ay naglakad na. Hinila niya ako sa kamay. "Not so fast, Honey," he said with his husky voice. Sinandal niya ako sa may pader at kinulong niya ako gamit ang magkabilang kamay niya. "Sa oras na magkabalikan tayong dalawa ay hindi mo na pwedeng kausapin ang Klei na iyan." Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang siniil ng halik ang labi ko. Nang makapusan na kami ng hininga ay doon lang kami bumitiw sa isa't isa. "You will be mine again, Joyce Clara. You will be mine again, soon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD