Winalang bahala ko na lang 'yung nakita ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Bigla akong ginutom kaya naisipan kong dito nalang kumain ng dinner. Nagrereklamo na kasi ang tiyan ko. Pumasok ako sa isang restaurant at nag-order na. Bigla akong nag-crave sa bulalo. Habang naghihintay nang inorder ko ay naka upo lamang ako sa napili kong pwesto at nagmamasid-masid sa paligid. Nahagip ng mga mata ko ang tatlong naglalakad na tao. Una ay ang kasama ni Dessery kanina ang nakita ko. Pangalawa ay si Dessery na at ang pangatlo... si Kurt? Nilakihan ko ang mga mata ko para mas malinaw kong makita. Alam ko ang tindig ni Kurt at sigurado akong siya nga iyon. I just took a deep breath. Winalang bahala ko na muna iyon. I need to know the reason kung bakit sila magkasama. I want to hear his explanatio

