{Joyce} Chapter 10: Nakalimutan

1434 Words
Pagkatapos naming kumain ni Kurt sa restaurant ay nagtungo kami sa unit niya. “Shower muna ako,” paalam niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Kinindatan pa ako bago pumasok ng banyo. Napangiti naman ako. Oh, Kurt, what are you doing to me? Kumuha ako ng damit mula sa kanyang closet. Wala naman akong damit dito. Ang problema nga lang ay wala akong underwear. Hindi ko naman pwedeng gamitin ulit ang under wear ko. Gross. Ilang minuto lang ay natapos na siyang mag-shower. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Half-naked and a towel para matakpan ang sa ilalim niya. His abs are waving at me. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. “Why are you blushing, Honey?” nakangisi niyang tanong. I pouted. “I'm not blushing. Mainit lang,” pagpapalusot ko. “Really?” nakakalokong tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa aking mukha.“Is that so?” Ngumisi siya at mabilis na tinawid ang distansya namin. He started to move his lips. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya naman hindi ko na napigilang umungol. Kung saan-saan na rin naglakbay ang kanyang mga kamay. He is driving me insane. Bigla namang nag-ring ang phone niya kaya tinulak ko siya ng mahina. “Kurt answer your phone,” I said. Pero parang wala siyang narinig at hinalikan ulit ako sa labi. “Hmm... Kurt, baka importante iyon,” I said again between our kisses. “Fine,” medyo husky niyang sambit. Tumayo siya at kinuha ang phone niya. Tumayo na rin ako at nagtungo sa banyo. I need a cold shower. Gosh. Muntikan nang may mangyari sa pagitan naming dalawa. Itinapat ko ang katawan ko sa shower. Ilang minuto rin akong nasa tapat lang ng shower at nag-iisip. Dapat na ba naming gawin iyon? Pero wala pang formal na label ang relasyon namin. Sa kaka-isip ko ay hindi ko namalayan na matagal na pala ako sa banyo. Nagbihis na ako. Buti nalang at makapal ang t-shirt niya at hindi masyadong halata na wala akong bra. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Napalapit ako sa salamin nang makitang may pula sa leeg ko. May hickeys ako roon. Napatigil ako sa pagtingin sa mga hickeys ko nang may kumatok. “Joyce Clara! Bakit ang tagal mo? Dammit ano nang nangyari sa'yo riyan?” Malakas niya pang kinalampag ang pinto. Mabilis akong kumilos at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay sinalubong niya agad ako. “Akala ko ay nalunod ka na,” nag-aalalang sambit niya. Tumawa naman ako ng mahina. Tumingin lang siya ng masama sa akin. Hinalikan ko naman siya ng mabilis sa labi para mapaamo. “What do you want to watch?” malambing niyang tanong at pinisil ang gilid ng aking bewang. Chansing talaga. “Step up 4,” I said while smiling. “Ang gwapo ni Sean diyan,” kinikilig ko pang sabi. Kumunot naman ang noo niya. “Who thehell is that Sean?” inis niyang saad. “Ryan Guzman.” “That Ryan or me?” tanong niya out of nowhere. “Huh?” “Who is more handsome? Me or that Ryan.” Hindi ko napigilang tumawa ng mahina. “Why are you laughing?” naiiritang tanong niya. “Are you jealous?” nakangiti kong tanong. “So what if I am jealous?” masungit pa rin niyang saad. Ikinawit ko ang kamay ko sa leeg niya at pinaglapit ang mukha namin. "Mas gwapo ka,” I said and smiled at him. “Of course,” he said and kissed me. Kinabukasan ay nagising ako na may humahalik sa akin. I open my eyes at sumalubong sa akin ang mga mata ni Kurt. Pinaghiwalay niya ang labi namin at ngumiti sa akin. “Good morning, Honey,” he said sweetly. “Good morning,” bati ko rin sa kanya. Akma niya akong hahalikan ulit nang pinigilan ko siya. “Hindi pa ako nag-tooth brush,” reklamo ko. “Masarap pa rin naman ang labi mo kahit hindi ka pa nag-tooth brush,” saad niya na nakapagpula sa akin. Binato ko siya ng unan at naiwasan naman niya ito. “Grabe ka talaga!” Tumawa siya ng malakas at pinalupot ang kanyang kamay sa bewang ko. “Ganda mo kapag namumula.” Lalo naman akong namula sa sinabi niya. Ang aga-aga ay pinapakilig agad ako ng lalaking 'to. “I'll just cook breakfast, Honey,” paalam niya at hinalikan ako sa noo. Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos kong mag-tooth brush ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina. Kurt is busy cooking. Lumapit ako ng kaunti. Sumandal ako sa may pader at pinagmasdan siya. Half naked again. Naka black apron siya kaya naman mas litaw ang kaputian niya. And bessy 'yung muscles niya ay nag-he-hello sa akin. Bigla siyang humarap sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Naglakad na ako at umupo. Nang matapos siyang magluto ay inihain na niya ito sa la mesa. Umupo na siya at inumwestra ang kanyang kandungan. “Huh?” tanong ko sa kanya. Painosente pa ako. Alam ko naman na pinapa upo niya ako roon. Ngumisi siya sa akin at hinila ako tapos ay pina upo sa kanyang lap. “Eat,” he said and fed me. Sweet naman ng ex ko na malapit ko na ulit maging boyfriend. Kaunting push pa ay sasagutin ko na siya. Syempre pabebe muna ako ng kaunti. “Kumain ka na rin. Kaya ko namang subuan ang sarili ko,” sambit ko. Sumubo rin siya gamit ang kutsara na ginamit ko. “Indirect kiss,” bulong niya at pagkatapos ay hinarap ako. “French Kiss,” he whispered. Magsasalita pa sana ako nang siilin na niya ng halik ang aking labi. Oh, that is why sinabi niya ang french kiss. Pagkatapos naming kumain ay naligo na siya. May trabaho pa kaming kailangan pasukin. Sunod naman ay ako ang naligo. Sinuot ko ulit 'yung damit ko kahapon na pinalaundry niya. Pagkatapos naming magbihis ay sabay na kaming lumabas. Hinatid niya ako sa trabaho ko at nagpaalam sa akin. Pinagsabihan pa niya ako na huwag ko nang kakalimutan ulit na mag lunch. Pagkababa ko ng kanyang sasakyan ay sinalubong ako ni Klei na naka kunot ang noo. “Long time no see, Klei,” bungad ko sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo niya. “Sino 'yung naghatid sa'yo?” tanong niya sa akin. Akma na akong sasagot nang may magsalita sa likuran ko. “Ako.” Napatingin ako kay Kurt nang sabihin niya iyon. Akala ko ay umalis na siya. Hinila niya ako at mabilis na inilayo kay Klei. "Ilang saglit lang kitang hindi nabantayan may asungot na agad na nakahabang,” masungit na saad niya. “Akala ko nakaalis ka na. 'Di ka pa ba late niyan?” “Pwede akong ma-late, Joyce Clara.” Sungit talaga. May dalaw yata ito eh. “Abuse of power ka ah,” saad ko at kinurot siya ng maliit sa pisngi niya. “Pwede ba, Joyce Clara, kapag wala ako sa tabi mo ay huwag mong i-entertain ang mga asungot na lumalapit sa'yo.” Napatawa naman ako ng mahina. “Ang sungit naman ng soon to be boyfriend ko,” nakangiti kong saad. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Pag ikaw na ang usapan masungit talaga ako. Pag-mamay ari mo ako, Honey. Kaya naman dapat akin ka lang din.” Bakit ba lagi na lang niyang pinapakilig ang heart ko? Iba ka talaga, Kurt! Kaya sa'yo ako eh. Pagkatapos noon ay hinatid niya ako mismo sa opisina. Para raw walang asungot. Init talaga ng dugo niya kay Klei. Ang bait kaya ni Klei. Kaso minsan nakasumpong din. Minsan talaga naiisip ko na nag-memens din ang mga boys. Hirap nilang intindin eh. Kala mo may dalaw. “Uy si Mam luma-love life,” pang-aasar sa akin ni Yvet. Tinawanan ko lang siya. Isa pa itong nakasumpong lagi. Nang makapasok ako ng office ay nagsimula na akong magtrabaho. Busy akong nagtitipa sa keyboard nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang message roon. "May nakalimutan akong sabihin." Galing iyon kay Kurt. Nagtipa naman ako ng reply. "Ano?" Nilagyan ko pa iyon ng smiley face. "Na mahal kita. I love you, Honey," sagot niya. May kiss emoji pa sa dulo. Bumalik ang tingin ko sa laptop ko ng may ngiti sa labi. I love you too, Kurt. At napatili ako sa sobrang kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD