"I will repay you for the years the locusts have eaten the great locust and the young locust the other locusts and the locust swarm—my great army that I sent among you." - Joel 2:25 After one year... "Hairah! Isang picture lang bilis," pag-aaya ni Joenah kay Hairah. "Masakit na ang panga ko," angal niya at naglakad na palayo dito. "Umayos ka nga. Lubusin na natin ito, bukas aalis na tayo," ungot ni Joenah pero nginitian niya lang ito at naglakad na palayo. "Hairah naman, sayang iyang bago mong hairdo," paghabol pa nito. "Tatlong taon na tayong nandito, hindi ka pa ba nagsasawa?" "Minsan lang naman tayong mag-picture. Remembrance na rin. Baka pag-uwi natin ng Pinas ay matagalan na bago tayo muli magkita-kita." Nag-puppy eyes ito sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag. "S

