"Fate means seeing the hand of God move clearly through your life, even with your eyes closed." - Rusty Fischer
Seven forty-five in the evening...
“Bye, Hairah, ingat ka!” paalam ni Sandy at humanda na sa pagbaba ng jeep.
“Text ka na lang kapag nakauwi ka na,” ani Lyra at tinapik siya sa may tuhod.
“Sure, ingat rin kayong dalawa,” nakangiting saad niya sa mga ito.
Binigyan siya ng mga ito ng ngiti at nang tumigil ang jeep ay magkasunod na bumaba. Unang sasapitin ang bahay nina Lyra at Sandy, halos hindi rin nagkakalayo ang bahay ng dalawa mula sa isa’t isa. Sinundan niya ng tingin ang dalawang kaibigan mula sa bintana. Sabay na naglakad ang dalawa papasok sa loob ng eskinita, halos hindi magkandadala dahil sa bitbit na mga paper bags. Nang muling umandar ang jeep ay unti-unti nang nawala sa paningin niya ang dalawang kaibigan.
Isinandal ni Hairah ang ulo sa may bintana at pinagmasdan ang madilim na daan. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng antok na dinagdagan pa ng malamig na simoy ng hangin na tila pinapaypayan ang mga mata niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagsine sila, namasiyal bago pumunta sa paboritong boutique ng dalawang kaibigan. Halos siya ang naliyo dahil sa kaiikot nila ng boutique at kasusukat nila ng damit. At nang pauwi na sila, sinabayan ulit ng traffic.
Wala sa loob na napahikab siya. Tumanaw siya sa unahan ng jeep. Ilang kanto pa at malapit na siya pero bigla namang bumagal ang pag-usad ng mga sasakyan. Muli siyang humikab at para palisin ang antok ay tumuwid nang upo. Isinakbat na niya ang shoulder bag sa balikat at inayos ang ilang paper bag na may dalang pasalubong.
"May check point na naman pala,” dinig niyang saad ng driver.
"Sinabi pa. Umaga’t gabi ay nariyan na iyan,” komento ng isang pasahero.
“Talagang maghihigpit na sila. May nahulihan na naman noong isang gabi. Ang masama pa'y may ilang kabataan ang napasama," saad naman ng isang ale na nasa tapat niya, nakasilip ito sa may bintana nang sulyapan niya.
Tumingin siya muli sa unahan ng jeep at natanaw ang kumikislap na kulay asul at pula na ilaw ng mga police car.
"Talagang iba na ngayon," naiiling namang dagdag ng isa pa.
“Hindi na maintindihan ang nangyayari sa paligid.”
May ilan pang nagbigay ng kani-kanilang komento. Nanatili lang siyang tahimik at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
Habang tumatagal mabilis ang pagbabago ng mundo…
"Manong, para po!" malakas niyang tawag nang matanaw na malapit na siya sa bababaan. May ilang metro pang lakarin pero kapag hinintay niya ang mabagal na pag-usad ng jeep ay aantukin lang siya.
"Sige, 'neng," ani ng driver at kinabig ang jeep para itigil sa tabing kalsada.
Pagkababa ay mabibilis ang hakbang na naglakad siya habang inaaral ang paligid. Hindi na siya magtataka kung bakit mabagal ang daloy ng mga sasakyan. Half of the lane has a PNP Checkpoint sign while on the other side, few civilians were talking to the police. Some policemen were also busy inspecting motorbikes and other vehicles parked on the side of the road. It became a common practice due to uncertainty.
As she continued to walk, she met other cops. Some were standing and seemed to be just watching over while some were guiding the passing vehicles. She took her eyes off them and quickened her pace. The need to be away from the crowd heightened. However, in the corner of her eyes, something caught her attention, a familiar shadowy frame. It’s too familiar that even her mind told her not to look back she body didn’t listen.
Awtomatikong natigilan siya sa paghakbang na kabaligtaran naman ng mabilis na kabog ng dibdib niya. Naka-sideview ito pero kilang-kilala niya ang bulto nito. Sa ilang taon ba naman na tuwing lalabas siya ay hindi mapigilan ang sariling hindi ito hanapin. Noong una pa nga tuwing may okasyon sa bayan nila at alam niya na kailangan ng pulis sa paligid, nakakatawa mang sabihin, lumalabas siya ng bahay para manood o makisaya, at pagkatapos ay palihim itong hinahanap ng mga mata kahit gaano pa karami ang tao.
Pamilyar na pamilyar sa kaniya ang lahat dito. Ang matangkad nitong bulto, ang malalapad nitong balikat, ang mga muscles sa braso nito na madalas punahin ni Sandy, ang mukha nitong napakaaliwalas sa paningin, makakapal na kilay, at sa dilim ng gabi ay kitang-kita niya labi nitong laging may nakahandang ngiti.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga ito pero kailangan...
Huwag mong hangarin ang hindi mo pag-aari.
Hindi lang bagay ang tinutukoy sa utos na iyon, nauunawaan niyang may mga taong pag-aari nang iba at hindi mo na maaaring hangarin pang maging sa’yo.
Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya sabay nang pagpapakawala nang malalim na buntonghininga. Nagyuko siya ng ulo habang papalapit sa mga ito. There's nothing to hide, but the feelings inside her kept on nagging her.
Huli na ito, huling beses na kitang titingnan. Huling beses na, dahil sa simula pa lang alam kong wala na talaga.
Nilagpasan niya ang mga ito. Pagkatapos ng gabing ito magpapatuloy ang lahat gaya lang ng dati. Nagkakatagpo pero hindi magkakilala, at hindi magkakakilala.
*****
Five months later...
Mabilis ang naging paglipas ng araw, linggo, at buwan kay Hairah. Hindi siya nahirapang ituon ang isip niya sa ibang bagay. Ngayong pumasok na ang buwan ng Disyembre, naging abala siya kasama ng ilang faculty members sa pagtanggap ng mga donations na dinadala para sa mga batang nasa orphanage.
"May mga donations pang dumating," hinihingal na anunsiyo niya nang makapasok sa loob ng silid, hawak ang ballpen at isang maliit na notebook.
Napatigil ang mga dinatnan niya sa loob ng silid at napatingin sa kaniya.
“Talaga?” tanong ni Sheila na siyang unang nakabawi. Co-teacher niya ito at kasamahan na rin sa mga voluntary service.
“Uhuh! May mga tumawag pa kay Miss Annie kanina,” tumatangong saad niya.
"Mabuti kung ganoon," nakangiting wika ni Mrs. Sales—ang school head nila, and at the same time ay team leader nila kapag may voluntary service sila. "Mas maraming bata tayong matutulungan. Thanks be to God."
"May ilan din pong interesado rin sa ginawa ng mga bata. Malaking bagay na makita ng mga tao ang potensiyal nila," nagniningning ang mga mata na ani Hairah at pinagdaop pa ang dalawang palad.
"Wow, ang galing naman!” bulaslas ni Myrna. “Malaking tulong iyon sa pag-aaral ng mga bata.”
Sabay – sabay na nagtanguan ang lahat bilang pagsang-ayon.
"Well, ano pang hinihintay natin? Simulan na natin ang pagpapake ng sa gano'n ay makatapos tayo kaagad," masiglang ani Jhel.
"Okay!" Sabay-sabay na pagsang-ayon ng lahat bago masiglang bumalik sa ginagawa.
Napangiti si Hairah at nagsimula nang ipatas ang mga nabalot ng groceries. Nang sulyapan niya ang mga kasamahang kahit pagod na ay nakangiti pa ring nagbabalot ng mga pambigay para sa donation, hindi niya maiwasang alalahanin kung gaano niya kapalad at dinala siya sa paaralang kasalukuyang pinagtatrabahuhan.
Four years ago, when she left her first job, she tried again applying at Zealous Shepherd Montessori to find some light in life. Little did she know that the school was a Biblically-integrated school. She wanted to back out, thinking that she wasn’t belonged to that kind of school. Aside from academic aspects, the institution also teaches their students the Word of God in order to grow as wholesome citizen and child of God. And that wasn’t her line, not that moment.
Hindi pa siya nagtatagal sa paaralan nang malaman niyang sumasama ang mga ito sa iba pang institution para mamahagi ng tulong sa mga: batang ulila, matatanda at batang may malalang karamdaman, matatandang nasa nursing home, at kung ano-ano pa na alam nilang nangangailangan ng tulong. She got curious and decided to join them. By then, it started a spark inside her. The spark became a flame of urged to help, to do something, and to be someone.
What’s amusing was, when she came in Zealous, she applied as a teacher. But through the years, it felt that she became a mentee. Day by day, she learned more from her colleagues, who treated her like a sister, a family. Even up to now, the passion that planted inside her kept on growing, the passion she didn’t recognize before was from the Lord.
*****
Pinapanood ni Hairah ang pagla-lock ng gate ni Mrs. Sales nang madinig ang malakas at masiglang boses ni Jhel. "Isa na namang araw ang natapos!"
“Boses mo, Teacher Jhel,” kunwa’y saway ni Sheila.
“Masaya lang ako, ano ba?”
“Dami pang energy ni Teacher Jhel.” Lumapit si Raelyn at sinabayang maglakad ito. Sumunod siya sa mga ito palabas ng gate.
For about four years working with them, Hairah grew fond with them despite of their certain differences.
Jhel was a giggler. She laughed a lot. No one could say that this plump but lovely woman in her thirties was a single mother. She married when she’s 24 and lost her husband in the fourth year of their marriage. Until now, she’s completely happy raising their child on her own.
“Mamaya magalit na naman iyong nanay diyan at sabihing sumisigaw ka,” paalala pa ni Sheila. Sheila, on the other hand, was nice but could be pensive sometimes. She’s older than Hairah and younger than Jhel, yet her attitude spoke the opposite. However, like Hairah, she mostly walked with her thoughts.
"Mahina na pandinig ni lola kaya iba na ang unawa niya," sabat naman ni Laila na tumabi sa kaniya sa paglalakad.
“Nga pala, nauna na ba si Miss Annie na umuwi?” tanong niya habang lumilingon sa likuran.
“Parang pupuntahan nila iyong batch na ipapadala sa Singapore na magba-Bible teaching,” si Raelyn ang sumagot.
Nakangiting tumango-tango siya. Gusto niya ring subukang gawin iyon pero hindi pa siya payagan ng mga magulang. Isa pa, wala ang isang kapatid niya sa bansa, makakadagdag siya sa lungkot ng mga magulang kapag umalis din siya ng bansa.
“Mag-aayos din iyon ng mga kailangan para sa Christmas party,” si Jhel iyon na bumasag sa pag-iisip niya.
"Malapit na nga pala ang Christmas Party. Na-excite tuloy ako," malakas na bulalas naman Myrna na sumunod sa kanila. Hawak nito sa kamay ang cellphone at abala sa pagta-type.
"Ako rin. Gusto ko na tuloy hilahin ang araw," pagsang-ayon niya.
“Magluluto ka ng biko, Teacher Jhel ha,” maamong saad ni Laila rito na sinamahan pa ng pagkurap-kurap.
“Oo naman. Basta ipagkakayod mo ako ng niyog.”
Napanguso si Laila. “May instant coconut milk naman.”
“Mas maganda ang natural, mas masarap.”
“Isama mo na lang si boyfie mo at siya pagkayurin mo,” suhestiyon ni Raelyn na kinindatan si Laila.
“Oo nga no? Sige! Sige,” irit ni Laila at pinaikot-ikot ang dulo ng mahabang buhok.
Napailing na lang siya sa inasta ni Laila. Sa kanilang magkakasama ay ito at si Raelyn lang ang may boyfriend. Sila rin ang fashonista ng grupo at sila rin ang pinakabata sa buong faculty. They were both twenty-five years old and in raging growth of heart.
“Sus, kayo talagang dalawa,” nailing na ani Myrna.
“Nga pala, maiba ako, may meeting nga pala tayo sa Monday," paalala naman ni Mrs. Sales na nasa likod lang nila.
"Hindi po namin nakakalimutan," sabay-sabay nilang sabi.
"Good. Pag-uwi, magpahinga na. Alagaan ninyo rin ang mga pangangatawan ninyo. Hindi tayo makakapag-serve sa iba kung maysakit tayo," dagdag pang paalala ni Mrs. Sales.
"Yes, Mam!" sabay-sabay nilang wika bago nagtawanan.
Naghiwa-hiwalay na sila ng daan para umuwi. Magkasabay sina Mrs. Sales, Jhel at Myrna sa pag-uwi habang ang kasabay niya sina Raelyn, Sheila at Laila. May sasakyan si Mrs. Sales kaya isinasabay na iyong dalawa habang sila ay naghintay ng jeep.
Pumara na si Raelyn nang makatanaw ng jeep. "Tara na," aya nito.
Sunod-sunod silang sumakay ng jeep. Dala ng pagod ay pare-parehas silang tahimik habang biyahe. Simula Lunes hanggang Biyernes ay may trabaho sila, tuwing Sabado o Linggo ay may schedule na nag-vo-volunteer magturo ng Gospel sa mga orphanage o nursing home.
Nakakapagod minsan pero iba ang saya at contentment na dala.
*****
Bumaba si Hairah sa may palengke nang maalalang may kailangan nga pala siyang bilihin. Ngayon na siya mamimili para lalabas man siya bukas ay para sumimba na lang. Kailangan niya ng mahabang pahinga pagkatapos ng nagdaang nakakapagod na mga araw.
Nang mabili ang mga kailangan ay lumabas siya ng palengke at hinanap ang suking bilihan ng prutas.
"Hi. Akala ko ay nakauwi na kayo," magiliw na bati niya sa magkapatid na nagtitinda.
Napalingon ang mga ito kapagdaka'y ngumiti sa kaniya.
"Mamaya pa kami, Ate Hairah. Mahina ang benta maghapon." Napapakamot sa ulo na ani Den-den na abala kanina sa pag-aayos ng mga mansanas.
"Opo nga. Marami ay sa loob na namimili," susog naman ni Dodong bago tumayo't lumapit sa kanila. Nagliligpit na ito ng kalat sa paligid ng pinagtitindahan.
"Ano nga pala pong inyo?" tanong nito.
Kapwa nasa Grade 8 na ang kambal na Den-den at Dodong. Nakilala niya ang mga ito dahil madalas siyang bumibili sa tindahan ng mga ito. Tuwing weekdays, mga magulang ng magkapatid ang tumatao sa tindahan. Sa hapon, dumarating ang kambal para tumulong at kapag weekend ay silang dalawa ang nagtitinda. Hindi niya maiwasang makaramdam nang awa at paghanga sa mga bata. Dapat kasi ay Grade 10 na ang mga ito, pero dahil hirap sa buhay ay patigil-tigil sa pag-aaral. Natutuwa naman siya na nagsisikap ang mga ito.
Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na tumingin-tingin siya sa mga prutas.
"Ahmm." Hinawakan niya 'yong isang kumpol ng saging. "Ito ang akin, para kay papa tsaka samahan mo ng mansanas at itong kyat-kyat." Iniabot niya ang mga mansanas at nang sabihin ni Den-den kung magkano ay ibinigay niya ang bayad.
"Naku, buti na lang pala po't hindi kami agad umuwi. Madadagdagan ang benta namin. May babayaran po kasi kami sa eskwelahan bukas," pagkukwento ni Den-den.
Tipid na ngiti lang ang itinugon niya. Ang totoo'y budget lang sana ang pera niya pero gusto niyang kahit papano ay makatulong sa mga bata. Pinanood niya ang ginagawang pagbabalot ng magkapatid ng prutas.
"Iyang kyat-kyat ay kahit dito na lang sa bag kong dala ilalagay para hindi ka na kumuha ng plastic, masasayang lang." Inabot niya ang net bag na may nakalagay na mga kyat-kyat.
"Ate, itatali ko muna po iyan," dinig niyang pigil ni Dodong.
"Alin a—ayyyy! Naku po." Bago pa niya napansin ang bukas na bahagi ng net ay nagbagsakan na ang mga kyat-kyat. Dali-daling yumuko siya para limutin ang mga pumatak na prutas.
"Naku, pasensiya na," hindi magkamayaw na hingi niyang paumanhin habang nililimot ang mga prutas.
"Kasalanan po namin. Sinabi na kasi ni na tatay na palaging ibubuhol yan. Hindi namin nagagawa.” Nag-aalangan ang tinig ni Dodong habang nanlilimot din.
"May gumulong pa doon," nguso ni Den-den kay Dodong habang inaabot ang mga nalimot nila.
"Ako ng kuku—“ Napatigil sa pagsasalita si Dodong bago nahihiyang nagpatuloy. "Salamat po, Sir."
Nilimot niya ang huling kyat-kyat at nilingon ang kausap ni Dodong. Lihim siyang napasinghap nang makilala ang kausap nito. Wala sa loob na napatuwid siya ng tayo.
"Sa inyo ata ang mga ito." Normal lang ang pagkakasabi nito pero bakit tila ang lambing ng dating sa kaniya.
"Elijah, heto pa."
Sinulyapan niya ang nagsalita. Palapit sa kanila si Garcia at awtomatikong tumaas ang sulok ng labi nito nang mapatingin sa kaniya.
"Salamat po mga, Sir,” pasasalamat ni Dodong habang inaabot ang mga kyat-kyat.
Hindi niya magawang magsalita. Nauumid ang dila niya sa harap nito. Sa loob ng ilang buwang tiniis niya ang sarili 'wag makita ito. Heto't nagkatagpo na naman sila.
Pero, ano bang dapat niyang asahan?
Hello, Hairah, nasa iisang bayan lang kayo.
Gusto tuloy niyang kurutin ang sarili sa mga naiisip.
Humugot siya nang sangkaterbang lakas ng loob bago hinarap ang mga ito. "Salamat po," magalang niyang ani habang nakatingin sa dalawang lalaki. Sinubukan niyang ngumiti pero hindi niya tiyak kung nagmukha nga ba siyang nakangiti o ano.
"Wala iyon, miss. Ano ba naman iyong manlimot kami ng prutas para sa magandang katulad mo?" Hindi pa rin nawawala ang kakaibang ngisi sa labi na ani Garcia.
Bolero talaga.
"Salamat pa rin."
Nang sulyapan niya si Elijah ay nakangiti ito. At mukhang totoong may ngiting kayang makatunaw—makatunaw ng puso.
Seryoso, Hairah? Magtigil ka!
"Wala iyon, ma'am," hindi pa rin nawawala ang magagandang ngiti sa labi na saad ni Elijah. Normal lang ang mga ngiting iyon. Palagi iyong nakapaskil kahit sinong kaharap ng lalaki.
"Okay na po Ate Hairah ang mga prutas ninyo. Ito na po,” may kakaibang sigla sa tinig ni Den-den habang nakatingin sa kanilang tatlo.
"Oo nga pala." Nilingon niya ang dalagita. Muntik na niyang makalimutan ang pinamili niya. "Salamat, ineng."
"Salamat din po, ate," sabay na ani ng kambal.
Tumango siya at nang lingunin niya ang dalawang pulis ay sa kabilang kalye na nakatingin ang mga ito.
Bakit kasi…
Pasimple niyang sinulyapan si Elijah na nakatingin pa rin sa kabilang kalye. Wala pa ring kupas ang dating nito sa kaniya. Pero dahil mali na, iniiwas na niya ang mga mata mula rito at binuhat ang mga pinamiling lalong bumigat dahil sa mga prutas.
"Tricycle, ma'am? Mukhang mabigat iyan."
Naibalik niya ang tingin kay Elijah nang magsalita ito. Mukhang maghapong naka-duty ito pero bakit mukha pa rin siyang fresh.
Fresh? Hairah, tao iyan, hindi prutas.
"Ako na lang po ang tatawag," pigil niya at akmang tatawag na siya nang biglang sumenyas si Garcia sa kabilang kalye.
"Manong, tricycle nga po. Pahatid sa magandang dalagang ito," may halong biro sa tinig ni Garcia nang tumawag ito sa grupo ng mga tricycle driver.
Wala sa loob na napangiwi siya. Kahit kailan, sanay na sanay talaga ang dila nitong si Garcia sa pambobola.
May tumigil sa harap niyang tricycle. Tinulungan siya ng driver na maisakay ang dala niya. Bago siya sumakay ay namaalam siya sa kambal, nilingon ang dalawang pulis, at nginitian ang mga ito. Isang tango ang iginawad sa kaniya bago siya lumulan ng tricycle.
Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang umandar papalayo ang tricycle. Ngunit ang puso niya ay patuloy sa pagkabog nang malakas.
Bakit pagkatapos ng lahat tila walang nagbago sa nararamdaman niya?
*****
ShimmersErisJane