"Some souls just understand each other upon meeting..." – N.R. Hart "Pakibigay na lang nito kay Jairo," mabining pakiusap ni Hairah sa lalaking nasa harap sabay abot ng mga libro. Ka-churchmate ito ni Jairo na isa sa mga nakasama niya sa Thailand. Nagkita-kita sila nina Joenah, Jairo at ng iba pa last week nang may naiwan itong aklat sa meeting place nila. "Sige, Hairah, ako ng bahala dito," may tipid na ngiting anito. Tumingin ito sa kaniya at pasimpleng sinulyapan si Elijah na nakasandal sa gilid ng kotse nito habang nakahalukipkip. Naka-shades ang huli kaya hindi niya masabi kung sa kanila ito nakatingin. Ngunit sa hinuha niya ay hindi siya nagkakamali. Bumalik ang tingin ng lalaki sa kaniya at kahit tila may gusto pang sabihin ay nagpaalam na. "Sige, next time na lang, Hairah.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


