“On hearing this, Jesus said, "It is not the healthy who need a doctor, but the sick.” Matthew 9:12
Hairah was in the middle of the hot seat, and her friends s***h colleagues were giving her blazing, yet concerned stares. Hairah expected this. What she didn’t expect was what had happened yesterday with her and Elijah, and it seemed that she had no choice but to talk about it.
Nonetheless, her friends wouldn’t leave her alone.
Nasa loob ng classroom niya lahat ng teacher na present kahapon nang dumating si Elijah at sa kasamaang-palad, mukhang hindi lang ang mala-agilang mga tanong nina Jhel at Sheila ang haharapin niya kundi pati na rin ang kay Miss Annie na kasama nila sa loob ng silid.
“Nandito na lahat ng kailangan natin kaya wala nang lalabas,” malakas na pahayag ni Jhel nang maibaba ang malaking tupperware ng spicy tuna spaghetti habang sa gilid nito’y tatlong matataas na bote ng ice tea, mga plato at kutsara’t tinidor.
Breaktime nilang mga guro at tila pinaghandaan ng mga kasamahan ni Hairah ang lahat. Wala nang maikakatwiran si Hairah para lumabas pa ng silid-aralan.
“So, care to explain why Elijah Pelaez fetched you yesterday?” Si Sheila ang unang nagtanong.
Alam ni Hairah na concern lang ang mga ito sa kaniya at kahit naman kanino sa mga kasamahan niya ay ganoon din sila. Nangyari na ito minsan sa ibang mga kasama, hindi niya lang inasahang mangyayari rin sa kaniya.
“He’s a friend?” she answered, biting her lip, unsure if it’s really their track now.
“Questions should be answered by yes or no, or a statement, not another question.” Si Sheila pa rin na hindi inaalis ang titig sa kaniya.
Pinasadahan ni Hairah nang tingin ang mga kasamahan. Lahat sila'y naghihintay nang sagot niya. Hindi niya mabasa ang nasa isip ng mga ito at hindi niya maintindihan ang sarili. Ayaw niyang pag-usapan si Elijah pero alam niyang hindi siya palalampasin ng mga ito.
"I..." Hindi niya magawang ituloy ang mga sasabihin. Nag-aalala at natatakot siya.
They are your friends.
She silently clutched the hem of her blouse while her friends stay still.
If it's too much, unload it.
Hairah sucked air and breathe out. “Well, it’s kind of complicated, but then maybe it’s time for me to open up…” Hairah started then with a small voice, she told them everything.
Ikwenento niya lahat sa mga ito, simula sa sticky notes hanggang sa pagsundo nito sa kaniya kahapon. Tahimik silang nakinig sa kaniya. Tumatango-tango, minsan parang may gustong sabihin ang iba pero hinintay siyang matapos. May tiwala siya sa mga kasamahan dahil hindi lang sila basta mga kaibigan. They were her sisters in faith. Pare-parehas silang may hindi magandang karanasan sa buhay pero nang matagpuan nila ang totoong purpose ng buhay, nagkasama-sama sila sa iisang paaralan at iisang layunin. Nakaka-amaze kung paanong sa kabila ng pagkakaiba-iba nila'y nagkasundo-sundo sila.
And now, they’re aiming to serve and spread love, joy, contentment, freedom, and faith. Those were gifts that everyone should realize that they had in their lives, and they should make use of it.
Nang matapos siyang magkwento ay tsaka nagbigay ng kaniya-kaniyang komento ang mga ito.
“OMG!” bulalas ni Laila.
“Tragic,” ani naman ni Myrna.
“Heartbreaking,” naiiling na wika naman ni Raelyn.
“Pang-MMK, 'te,” nakangiting biro ni Laila.
Nilingon ito nina Jhel at Sheila na parehas nakatingin sa kaniya ng seryoso pero may pag-aalala sa mga mata. Samantalang si Miss Annie ay tumayo at lumipat ng upuan sa tabihan niya.
“So, it’s him?” tanong ni Miss Annie kay Hairah.
Tumango si Hairah.
“He looks like a good man,” ani pa ni Miss Annie.
Magtatanong pa sana si Hairah kung paano nito nasabi iyon pero naunahan na siya ni Myrna na magsalita. “Ni-review namin kanina ang CCTV para ipakita kay Miss Annie si Officer Pelaez.” Ginantihan niya ng munting ngiti ang malapad nitong ngiti.
“His heart is still in the midst of recovering,” ani Jhel. “And you’re trying to help him.”
“While breaking yours,” maagap na dugtong ni Sheila sa sinabi ni Jhel.
Napakagat-labi si Hairah at nalipat ang tingin sa tiles na sahig.
“She’s putting God in that cop’s heart,” Myrna said, while staring at her swaying foot.
“And she loves him,” sabat naman ni Laila na nilaro-laro ang basong walang laman na nasa harap.
“She loves someone who’s in the…” Kaagad ring tumigil sa pagsasalita si Sheila. “I’m sorry,” she whispered after, regret was in her soft voice.
Hindi niya masisisi ang mga itong mag-isip nang masama sa kaniya. Kailan pa ba naging tama na ilapit mo at magmahal ka ng isang lalaking pag-aari na ng iba?
“I am a fool,” bulong ni Hairah sa sarili.
“No, you’re not!” mabilis na sansala ni Sheila. “Wala akong ibang ibig sabihin.”
“Sinusubukan mo lang na ibangon siya,” pagpapaalala ni Laila.
“Tama siya. You just love him.” Tumayo si Raelyn at umupo malapit sa kaniya, sa tabi ni Miss Annie.
“Hindi dahil tama kami’y mali ka na at hindi dahil tama ka’y mali na kami,” mahinahong simula ni Jhel habang nakatingin sa kaniya. “You didn’t pursue him. You tried to help, and he just came by.”
“Isa pa, hindi ka naman lumapit sa kaniya para sa sarili mo.” That’s from Myrna.
Tiningnan niya ang mga kasamahan. Hindi niya sigurado kung sinasabi lang ba nila ang mga salitang iyon dahil magkakaibigan sila at gusto nilang pagaanin ang loob niya o dahil hindi nila magawang sawayin siya.
“Wala akong karapatang mag-judge, Hairah. I know, the moment wasn’t in your side, but I think, hindi ka naman gagawa ng alam mong mali.” Sheila’s voice was low.
Natahimik ang lahat hanggang sa ang mahinang ugong na lang na nagmumula sa air-conditioned ang maririnig. Hindi rin nagtagal ay naramdaman ni Hairah ang paggagap ni Miss Annie sa kamay niya. Nilingon niya ito at gaya lang ng normal na ekspresyon nitong nakangiti at masuyong nakatingin sa kaniya.
“It’s sort of complicated. Ngunit ang desisyon ay nasa sa’yo pa rin. If he’s really in darkness after losing his wife and his child, drawing him near to God is the best thing to do. I’m sure; God’s doing something for that man.” Masuyo ang bawat pagkakabigkas ni Miss Annie sa bawat salita habang nakatitig sa kaniya.
“Do I have to stop?” she inquired.
“Do you think you have to?”
Napakurap si Hairah. Mas lalo siyang nagguguluhan.
“Sometimes our mind and heart betrayed us, but the Holy Spirit will not,” Miss Annie continued. “His every whisper is a mend to a broken heart. His soft voice is always a word of wisdom.”
Tuluyan nang natulala si Hairah kay Miss Annie. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Kumakabog ang puso niya ngunit sa loob nito’y dama niyang may takot na umuusbong.
Listen to my voice, my child.
Hairah closed her eyes and tried to listen, but there were lots of things wandering inside her head. She could hear the voice, but it’s too soft and too quiet.
Paano bang naging komplikado ang dati’y simple at tahimik niyang buhay?
*****
The next day…
Wearing black walking shorts, white blouse and white sneakers, Hairah rode on her bicycle and went to 7-Eleven. She’s alone at their house, and she’s craving to eat something after her half-day work at school. When she came at 7-Eleven, she’d immediately get some Spicy Pringles, Sour and Cream flavored Piattos and some Spicy Seafood. She’s going to eat heartily while watching some movies.
After the sudden heart-to-heart talk inside her classroom, she’s still in the middle of everything.
She’s thinking if she’s going to say sorry to Elijah or not.
She’s thinking if she’ll continue her conquest of bringing back Elijah’s light or not.
She’s thinking if what she’d done was really God’s will or not.
And she’s getting nowhere.
Pinanghihinaan nang loob si Hairah. Hindi niya gusto ang nangyayari sa kaniya, ang nararamdaman niya, at higit sa lahat ay ang pagdududa sa puso niya.
Oh Lord. Whisper to me, please... It became her breathe prayer every minute.
Listen to my voice, my child.
Hairah listened but still got nothing, and it became more frustrating.
Pagkatapos magbayad ni Hairah ay lumabas na siya ng 7-Eleven. Pasakay na siya ng bisekleta nang matanaw ang pamilyar na motorsiklo. Awtomatikong bumilis ang pintig ng puso niya kasabay nang panlalamig ng mga kamay. Nakatitig siya sa motor hanggang tila kusang umangat ang mga mata niya patungo sa may-ari ng motor.
Napakapit siya nang mahigpit sa manibela nang mapagtantong nakatingin ang lalaki sa kaniya. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip nito pero sa pagkakataong ito’y alam niyang hindi pa niya kayang makausap muli si Elijah.
Oh no! Not this time, please.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Mabilis siyang sumakay sa bike at pumedal palayo.
“Hairah!” dinig niyang tawag ni Elijah.
Hindi niya pinansin ang tawag nito at mabilis na nag-pedal.
“Hairah!”
Bahagya siyang lumingon at nakitang hindi pa rin tumitigil sa paghabol sa kaniya si Elijah.
Please, not now!
Ibinalik niya ang tingin sa unahan at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang palikong police car. Nakaliko na ang sasakyan habang siya’y pasalubong sa direksyon na tinatahak nito at kapag hindi sila tumigil ay tiyak na magkakabanggaan sila.
Mabilis ang naging pag-pedal ni Hairah kanina kaya halos wala na siyang control sa pagtakbo ng bisikleta. Sa huli, ginawa na lang niya ang nag-iisang bagay na alam niya. Pinisil niya ang preno ng bike sabay kabig pakanan, patungo sa isang lote kung saan nakatayo ang isang abandonadong mga stalls. Marami ng d**o at dawag sa harap nito at doon siya dumiretso hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng balanse at bumagsak. Ngunit bago pa siya tuluyang bumagsak ay naramdaman niya ang pagkiskis ng tuhod at binti sa kung saan na lumikha ng sakit sa parehas na parte ng katawan.
Napangiwi si Hairah nang bumagsak siya sa damuhan. Hindi gaanong masakit ang pagbagsak niya dahil madamo at mababa lang naman ang kinabagsakan niya. Ang masakit ay ang tuhod niya at binti na itinukod sa lupa.
“Aww,” ingit niya nang sinubukang tumayo pero bigo.
“Hairah!”
“Miss!”
Napaangat ang tingin niya sa sabay na tinig na tumawag sa kaniya. Palapit si Elijah sa kaniya kasunod si Officer Honey at sa likod ay ang asawa nitong si Officer Randy. Nag-aalala ang mukha nina Elijah at Officer Honey ngunit hindi ang mukha ng asawa nito.
Ang lampa mo talaga, Hairah. Nakakahiya ka!
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Elijah nang makalapit sa kaniya. Hindi ito magkandatuto kung saan siya hahawakan sa pag-aakalang nabalian siya.
Tinitigan ito ni Hairah.
Nag-aalala pa rin ito sa kaniya pero hindi mawaglit sa isip niya ang galit at disappointment na nabanaag sa mga mata nito noong huli silang magkausap. Mabait si Elijah at marahil nakalipas na o pinalampas na nito ang nangyari pero hindi si Hairah. Para sa kaniya, pakiramdam niya’y malaking kasalanan ang naggawa niya dito.
My child, let it go.
“Okay lang ba siya, Elijah?”
Nilipat ni Hairah ang tingin kay Officer Honey na tumabi kay Elijah sa pagkakatalungko sa kaniya.
“O-Okay lang po ako,” aniya at sinubukang tumayo. Mabilis na umalalay si Elijah ngunit tila traydor ang katawan ni Hairah na wala sa loob na napapiksi nang maramdaman ang mainit na palad ni Elijah sa kaniyang braso.
Gumuhit ang magkahalong gulat at sakit sa mga mata ni Elijah dahil sa ginawa niya. Hindi iyon nakalingat kay Hairah at kahit sa babaing pulis. Gusto man sanang sabihin ni Hairah na okay lang siya ay mabilis na nakapagsalita ang si Officer Honey.
“Kaya mo bang tumayo?” malumanay nitong tanong.
Tumango si Hairah. “Okay lang naman po ako.” Tumayo siya at inalalayan naman siya nito habang laglag ang balikat ni Elijah na tumayo habang nakatingin sa kaniya. Hindi gusto ni Hairah ang ginawa niya pero hindi niya mapigilan ang sarili.
“Nasugatan ka,” anas ni Honey habang nakatingin sa paanan niya. Tumingin si Hairah sa tinitingnan nito at kagyat na napakagat-labi siya nang mapagmasdan ang mahaba at makapal na gahir sa gilid ng tuhod pababa sa binti niya. Nagsisimula na ring umagos ang dugo sa may binti niya.
“Mukhang doon iyan tumama,” sabat ni Officer Randy na kasalukuyan ng katabi ng asawa nito habang ang mata ay nasa sirang gate na bakal.
Napalunok si Hairah nang mapagmasdan ang luma at kalawanging bakal.
The best ka, Hairah.
“Kailangang magamot natin iyan,” diretsang saad ni Elijah.
Tiningnan ito ni Hairah at hindi pinansin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. “Okay lang ito. Sa bahay na lang, hindi naman malalim,” katwiran ni Hairah.
“Malalim o hindi, kailangan pa ring gamutin iyan,” pangangatwiran din ni Elijah.
“Sa bahay na nga lang,” mabilis na ani Hairah.
“Dadalhin kita sa center.”
Umangat ang isang kilay ni Hairah habang nakatingin sa determinadong si Elijah. “Maliit lang ito kaya sa bahay na lang.”
“Mas maganda na ang sigurado.”
“May gamit sa’min kaya sa bahay na lang.”
“Ihahatid kita sa bahay ninyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Hairah sa sinabi ni Elijah. “Hindi pwede!”
“At ba—“
“Tumigil na kayong dalawa,” awat ni Officer Randy kina Hairah at Elijah. Seryoso man ang mukha nito’y tila may kakaibang kahulugan ang tingin nito sa kanilang dalawa. Natigilan si Elijah habang nag-iinit naman ang buong mukha ni Hairah. Nakalimutan nilang may kasama nga pala silang dalawa at hindi rin nila napansin ang ilang taong nasa paligid nila.
Napakagat-labi muli si Hairah sabay baba nang tingin.
Nagsalita muli si Randy habang nakatingin kay Hairah, “Sasama ka muna sa’min sa station. Si Honey ang bahala sa’yo.” Lumingon naman ito kay Elijah, “Ikaw, dalahin mo ‘yung bike niya at ihahatid mo siya sa bahay nila mamaya.”
Gusto pa sanang umangal ni Hairah pero minabuti na lang niyang tumahimik dahil sa kaseryosohan ng pulis. Nilingon niya si Officer Honey na nakangiti lang sa kanila.
Wala namang naggawa si Elijah kundi ang sumunod kay Randy. Gusto man niyang makausap si Hairah ay mukhang hindi pa ito handa. Kumakabog ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang bike ni Hairah na muntik nang sumalubong sa sasakyan ngunit mas hindi niya mapigilan ang pagguhit ng kirot nang hawakan niya ito at bigla na lang itong lumayo.
*****
Kanina pa gustong umuwi ni Hairah pero hindi niya maggawa. Nasa loob pa rin siya ng isang silid sa police station kung saan siya dinala ni Officer Honey. Nalinis at nilagyan na rin nito ng ointment ang sugat niya. Nagsabi siyang uuwi na pero sinabi nitong maghintay muna siya bago ito lumabas ng silid.
Napatulala na lang si Hairah habang nakatingin sa kulay asul na sofa sa loob ng kwarto. Kulay puti ang pintura ng silid at may ilang parte na mukhang kailangan ng patungan muli ng pintura dahil natutuklap na. Matingkad na asul ang sofa at kulay itim naman ang center table. Maraming papel sa ibabaw ng table at halos karamihan ay mga diyaryo.
Nakatitig si Hairah sa kulay asul na sofa habang ini-imagine ang mga pulis na naka-uniporme at magkakatabing naupo sa sofa.
Nagusot ang mukha niya dahil sa naisip.
Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto at iniluwa noon si Honey na may dalang inumin. Nakangiting inabot nito ang isa kay Hairah bago umupo sa katapatang upuan.
“Wala na bang masakit sa’yo?” tanong nito.
Umiling si Hairah. “Wala na po. Maliit lang naman po ito.”
“Baka may ibang sugat ka pa.”
Tinitigan ni Hairah si Honey bago umiling. Hindi tiyak ni Hairah kung ilang taon na ang pulis ngunit hindi maikakailang kahit mas matanda ito sa kaniya ng ilang taon ay maganda pa rin.
“You’re quiet familiar,” Officer Honey suddenly commented.
“Maliit lang ang bayan natin,” nakangiting paalala niya. Pero sa totoo lang ay ang pumasok sa isip niya’y noong minsang nag-bike rin siya isang umaga at muntik na siyang maaksidenti. Ito rin ang lumapit sa kaniya noon.
“Naalala ko na!” masiglang bulalas nito nang tila may biglang naalala.
Napangiwi si Hairah sa pag-aakalang ang nasa isip nito'y nang muntik na siyang maaksidenti.
“Nasa Campaign of Professional for Jesus ka two years ago, tama ba?”
Hindi kaagad sumagot si Hairah pero aminadong masaya dahil iba ang naalala nito.
“Sumama kaming mag-asawa dati doon,” pagpapatuloy ni Officer Honey nang hindi siya nagsalita. “Campaign iyon ng mga professional teachers, doctors, pulis at iba pa.”
Sandaling nag-isip siya bago napangiti nang maalala ang tinutukoy nito. “Ah, opo. Inimbitahan kaming dumalo roon pero dahil ilan sa mga kasamahan namin ang nag-organize noon ay naisipan naming tumulong.”
Ang nasabing campaign ay isang talk/seminar/fundraising na ginanap dalawang taon na ang nakakalipas ng mga professionals. Isang paraan para ipapaalala sa bawat propesiyonal na higit sa ano pa mang bagay ay pinakamahalaga pa rin ang koneksyon kay Jesus. Sa loob ng anim na buwan, tuwing weekends ay isinasagawa ang talk habang ang nalikom na pera naman ay ginamit para makapaglimbag ng mga librong ayon sa salita ng Diyos at ang iba pa'y para naman sa ibang charity events.
“Natatandaan ko pang tumutulong ka sa pagse-serve ng meal para sa mga attendees.”
“Iyon lang ang maitutulong ko sa kanila ng mga panahong iyon,” may nahihiyang ngiti sa labi na ani Hairah.
“Kahit ang pinakasimpleng bagay na maggagawa ay isa nang malaking tulong,” mahina at malumanay na ani Officer Honey habang nakatitig kay Hairah at batid ni Hairah na may higit pa itong nais ipakahulugan.
Uminom si Hairah ng inuming iniabot ni Officer Honey at nag-iwas nang tingin sa babaing pulis. Pakiramdam niya’y sa simpleng tingin lang nito’y kaya nang basahin nito ang kaloob-looban niya.
Habang nakatitig si Officer Honey kay Hairah alam niyang may kakaiba sa dalaga. Alam niya ring may kakaibang koneksyon ito kay Elijah. Hindi sa pagkukumpara pero kung sa ganda'y makakalamang si Yannie ngunit ang kakaibang kainosentihan na may halong pagkamahiyain sa mukha ni Hairah ay nagpapaganda rito. May kakaiba ring kislap ang mga mata nito na para bang sa loob nito’y may mumunting kayamanan. Sa ilang taon na naging pulis ni Honey, maraming tao na siyang nakasalamuha—mabuti’t masama, sinungaling at tapat, manloloko't nagpapaloko, ngunit sa unang tingin niya pa lang sa dalaga'y tila may kakaiba rito.
At gusto niyang malaman kung anong koneksyon meron ito kay Elijah. Mahal na mahal nito si Yannie at alam niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang yumaong asawa. Ngunit nang tingnan ito ni Elijah kanina’y may kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki, at ang sakit na rumehistro sa mga mata nito nang palisin ng dalaga ang kamay nito, may kakaibang koneksyon silang dalawa.
At tila, sila lang ang nakakaunawa noon.
“Magkakakilala pala kayo ni Elijah.” Bumalik ang focus ni Hairah kay Officer Honey. Casual lang ang pagkakasabi nito ng mga salita. Walang halong pagdududa, panunuri at pagtataka.
Kiming tumango si Hairah. “Opo.”
“Palakaibigan si Elijah. Mabait siya, masipag, masayahin, matulungin at masasabi kong napakalaki ng puso ng batang iyon,” may ngiti sa labi nitong pahayag na pagkaraan ay naglaho rin bago ito nagpatuloy. “Hanggang nawala na ang mag-ina niya. Hindi ko na halos makita ang dating Elijah na nakasama ko ng ilang taon sa serbisyo.”
Napatitig si Hairah sa bote ng inumin niya. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Officer Honey. Alam niya ang ibig sabihin nito. Ilang taon man niyang tinitigan at pinagmamasdan sa malayo si Elijah, kailanman ay hindi nawawala ang liwanag sa mga mata nito. Pagod at puyat man sa trabaho ay nakangiti ito.
“Nagbago na ang lahat,” mahinang aniya.
“Tama ka.”
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang muling magsalita si Officer Honey. “Base sa tawag ni Elijah sa’yo kanina, your name is Hairah.”
Wala sa loob na naisumpit ni Hairah ang buhok sa likod ng tenga. Hindi man lang siya nakapagpakilala rito ng maayos.
“At mukhang may dapat kayong pag-usapan,” dugtong pa nito dahilan para mag-angat ng tingin niya dito. Nilaro-laro nito ang hawak na bote sa kanang kamay. “He looked dejected,” she kept on talking then glanced up at Hairah.
Hairah just looked at her, but didn’t give anything.
“Not being nosy, but I think I heard your name from Neil,” Officer Honey carried out, a smile between her words.
Hairah stared at her, confused.
Neil was talking about her?
“Neil? Police Officer Garcia?” she asked, still confused.
“I think he’s talking with Elijah. She even called you Bible girl,” Officer Honey replied.
Hairah’s eyebrow arched. It seemed that Elijah was talking about her.
“They’re best of friends,” Officer Honey shared.
She nibbled her lower lip. She didn’t know that. But then, she didn’t know anything about Elijah except what he’d been through.
“Elijah used to watch Neil’s back before, but now table turned around. Neil’s watching Elijah, making sure his wits is still together,” Officer Honey continued sharing, and Hairah didn’t know why she was doing this. They’d barely met. They’d barely know each other.
“Since the day Yannie died, Neil was always watching Elijah’s back, but never thought of getting Elijah’s heart into the true light. Elijah seemed to lose his hope and his will to go on. He continued living but everytime he’s around; it felt that he’s a walking dead.” She paused and plastered a faint smile. “Neil and the others can stay with him and made him felt that he’s not alone. Yet they can’t help him bring back what he truly lost.”
Hairah swallowed forcefully, pushing the hard lump inside her throat. Something building inside her, something big, something aching, something she didn’t understand.
Listen, my child.
Hairah remained staring at Officer Honey’s soft face. Her look was hoping.
“I quiet unsure why are you telling me this.”
“He lost his faith. He stopped believing. He thought God never listened to him, thought that God hated him and forsaken him. He’s not talking about it, but the sight of him,” Officer Honey’s voice trailed. “He’s broken and totally lost.”
Officer Honey watched as a tear fell down at Haira’s smooth cheek. She didn’t mean anything; she just felt the need to share those things to Hairah. She followed what she felt she had to do, but she didn’t expect to see Hairah’s tear would fall down.
They really had a connection, a special bond.
“I-I’m sorry,” Hairah immediately wiped the tear in her left cheek, but another fell down at her right and again at her left cheek.
“He is special to you,” she murmured.
“Everyone is special,” she quickly responded. “Everyone is special in God’s eyes.”
Officer Honey tilted her head to the side while watching Hairah nabbed a white handkerchief and wiped her face. Her face is blushing and her eye a bit bloodshot.
God’s connections and amazing ways. It's so rare to see God's molded beautiful creation.
“Yeah,” she replied at Hairah’s last words. “God remembered me when He gave us our first child six years ago. We’d been working to have a child after years of marriage, but maybe it wasn’t His perfect time yet. Not until six years ago, and now our boy is turning seven, and he has a little sister.” She breathed in. “I felt special. Randy was ecstatic and kept on telling how special our kids are.”
May ngiting nakatitig si Hairah kay Officer Honey na may masaya at puno ng pag-asang ngiti sa labi. Officer Honey knew the feeling of God’s touch—his sweet, warm and loving touch.
And Hairah’s hoping Elijah would feel it also. He’d been touch, but too engulf in his pain to recognize those touch.
Show him I’m the way… Let him feel it…
Huminga nang malalim si Hairah, tumayo at may malawak na ngiting binalingan si Officer Honey. “Maraming salamat po sa lahat. Kailangan ko na pong umalis. May importante lang po akong kailangang gawin.”
Napatingala si Officer Honey kay Hairah na bigla na lang tumayo. Tumayo siya at napakurap sa kakaibang kislap na nababanaag niya sa mga mata nito.
Determination. Hope. Love. Faith.
There were lots of them and Officer Honey couldn’t name them all, but could feel how warm they were.
“No worries, Hairah.” She returned, and started to walk towards the door, opened it, and turned again at Hairah. “Let’s go, I’ll bring you to Elijah.”
*****