"You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my name the Father will give you." John 15:16
Kanina pa nagri-ring ang cellphone ni Hairah sa bag pero hindi niya masagot dahil sa sobrang sikip sa jeep. Halos hindi na nga siya makahinga dahil sa sobrang siksikan. Pagkababa, dali-daling kinuha niya ang cellphone sa bag at nakita na ang ina ang tumatawag.
"Hello po," bati niya nang masagot ang tawag.
"Esther, pauwi ka na?" bungad ng ina mula sa kabilang linya.
Napasimangot siya pagkarinig nang naging tawag nito sa kaniya. Si mama talaga palagi na lang Esther. Ano na naman kaya ipapagawa nito? "Kakababa ko lang po ng jeep. Hindi ko po nasagot dahil sobrang sikip sa jeep. Bakit po?" Diretso lang siya sa pagsasalita habang naglalakad.
"Dumaan ka naman sa opisina ng simbahan. Pumunta ako kanina doon at sinamahan ko ang tiyang mo para sa pagpapabinyag ng iyong pinsan. Hindi namin nabalikan ang card kanina. Baka daw pwedeng daan-daanan mo na," mahabang paliwanag ng ina niya.
Napakamot siya sa may ulo. "Sige po,” tanging naging tugon niya.
"Pagkatapos ay umuwi ka na't andito ang mga pinsan mo, hinihintay ka."
Sabado ngayon at tiyak buong gabi na namang mag-iingay ang mga iyon sa bahay nila.
"Opo.
"Bilisan mo," pahabol pa nito.
"Opo na nga."
Nagpaalam na siya at pinatay na ang cellphone. Napapailing na lang siya na nagbago ng ruta. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakakalayo. Mabilis siyang nakarating sa simbahan pero mahigit kinse minutos din siyang naghintay sa pila bago nakuha ang card na sinasabi ng kaniyang ina. Nang makuha ang kailangan ay dali-dali siyang lumabas ng opisina. Naglalakad na siya patungo ng gate nang mapansing bukas pa ang mga pintuan ng simbahan.
Tumingin siya sa orasan. “Four o’clock na ah,” wala sa loob na aniya. Maglalakad na sana siya palayo nang maagaw ang atensiyon niya ng isang lalaking nakaluhod sa bandang unahan.
Go on...
Ang hakbang na balak niyang gawin kanina ay tuluyang naunsiyami. Sa halip, natuon ang mga mata niya sa lalaki. May kalayuan ang pwesto nito sa kinatatayuan niya kaya ang malinaw niya lang na nakikita ay ang kulay puting shirt na suot nito. Ilang segundo ang dumaan at umalis ito sa pagkakaluhod. Umupo ito, itinuon ang dalawang siko sa hita at isinubsob ang mukha sa dalawang palad. Even without looking at his face, she got this feeling of sadness from him. His body was tense and seemed dejected.
Binigyan niya ang estranghero nang huling sulyap at tumalikod na. Hindi pa siya nakakailang hakbang ay tila nag-echo ang tinig ni Miss Annie sa tenga niya. The Lord surely got more for you, and you have to prepare for that.
Napalunok siya dahil sa naisip. Hindi niya kayang basta na lang lumapit sa estranghero para mag-alok ng tulong. Wala rin siyang ideya sa kung anong pinagdadaanan ng lalaki.
He's your neighbor, my child.
Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya. The urge to help the man seemed to build tension inside her, yet she couldn't think how. Nanghihinang lumapit siya sa dingding ng simbahan at sumandal doon. Lumingon siya at tinanaw ang lalaki sa kinauupuan nito. Tiyak kapag lumingon ang estranghero makikita siya.
Bakit kasi hindi pa ako umalis na lang? Walang koneksyon rito ang mga sinabi ni Miss Annie! sunod-sunod na bulong ng isip niya.
Ngunit sa halip na mawala ang tension sa loob ng dibdib niya ay mas lalong tumindi iyon. Gusto niyang lapitan ang estranghero ngunit natatakot siyang magmukhang pakialamera.
Napakagat-labi na lang si Hairah sa mga tumatakbo sa isip niya. Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang makarinig ng tumutunog na cellphone. Kaparehas iyon ng kaniyang ringtone kaya dali-dali niyang binuksan ang bag para lang magulat na hindi pala sa kaniya ang tumutunog na cellphone.
Oh geez! Nakahinga siya nang maluwag at akmang hahakbang muli para tuluyang umalis nang may magsalita.
"Hello, ma?" Ang pag-alis sana na gagawin ni Hairah ay lalong naunsyami nang madinig niya ang papalapit na pamilyar na tinig-lalaki. "Kumusta si Yannie? Ano pong sabi ng doctor?" may halong pag-aalala ang tinig na tanong pa ng lalaki.
Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Elijah! Napakagat-labi siya para maiwasang ibulalas ang pangalan nito.
Pakiramdam niya'y tumigil sa paggalaw ang lahat ng nasa paligid niya, tila tumigil rin siya sa paghinga nang maramdamang papalapit ang yabag at tinig nito. Bagama't hindi niya kailangang magtago ay kusang gumalaw ang mga paa niya patungo sa likod ng mga halaman malapit sa isa sa mga pinto ng simbahan. Natutop niya ang bibig at niyakap nang mahigpit ang bag.
Hindi pa siya nagtatagal sa ganoong posisyon ay kaagad siyang natigilan.
Bakit nga ba siya nagtatago? Ano naman kung makita siya nito? Wala naman siyang ginagawang mali.
"Ganoon ba? Can I talk to her for a while?" Napansin niyang tila palayo ang tinig nito kaya dahan-dahan siyang sumilip. Naglalakad na ito palayo habang may kausap pa rin sa cellphone. Nang mawala ito sa paningin niya at tska lang siya lumabas sa pinagtataguan.
Elijah… May pagnanais sa loob niyang sundan ito pero pinigil niya ang sarili. Sa halip, pumasok siya sa loob ng simbahan, malapit kung saan ito nakaupo kanina. Tumitig siya sa altar, sa bahagi kung saan nakatingin si Elijah kanina.
Ano bang pinagdadaanan mo, Elijah? Bakit parang hirap na hirap ka? Ano bang pwede kong gawin? Her last thought made her chest twinge. She immediately shook her head.
Hindi niya namalayang unti-unti na siyang lumalapit sa kinauupuan nito kanina. Napabuntong-hininga siya. "I'll pray for you. Iyon lang ang magagawa ko," bulong niya at inalis ang tingin mula sa altar.
Akmang tatalikod na siya nang mapansin ang isang kulay itim na backpack at itim na leather jacket na nakapatong sa ibabaw nito. It's Elijah's things.
Remember, my child, anxiety weighs down the heart, but a kind word cheers it up...
Tinitigan niya ang gamit nito. "Kind words..." she silently mumbled.
My word, my child…
Kumurap-kurap siya. That’s a great reminder para sa mga napapagod na... Parang nakikini-kinita ni Hairah ang nakangiting mukha ni Miss Annie. Jesus is with us.
May kung anong malamig na kamay ang humaplos sa dibdib niya at bago pa niya maunawaan ang ginagawa, kinuha niya ang green sticky note na nakasipit sa notebook na madalas niyang dala. Pumilas siya ng isa pang stick note at mabilis na nagsulat doon.
“Hopefully ay makatulong…” bulong niya habang nagsusulat.
Eksaktong natapos siya sa pagsusulat ay nakarinig siya ng mga papalapit na yabag. Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa likuran. Pabalik na siya!
Ginawa niya ang dapat gawin at mabilis na tinago ang mga gamit. Mas lumakas ang mga yabag kaya hindi na siya nag-abalang sarhan pa ang bag. Dali-dali siyang lumabas ng simbahan at walang lingon-likod na humakbang palayo. Walang dahilan para matakot siya pero mas matindi ang kagustuhang ‘wag magpakita sa lalaki.
Halos pangapusan siya ng hininga makalabas ng gate ng simbahan. Habang pinapakalma ang sarili ay muli niyang nilingon ang simbahan. I may not be able to help him, but God will for sure.
*****
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Elijah ang nagmamadaling babae na lumabas ng simbahan. Nakayuko itong lumabas at halos natatakpan ng mahaba at tuwid na buhok ang mukha nito kaya hindi niya mawari kung sino ito. Hindi rin niya nakita itong pumasok kanina sa loob.
O baka noong lumabas siya?
Naisuklay niya ang daliri sa g**o ng buhok. Masiyado na siyang maraming iniisip at pinagdadaanan para isipin pa ang ibang tao.
Nang makalapit sa kinauupuan kanina ay kinuha niya ang bag at ang jacket na nasa tabi nito.
Nasa tabi? His eyebrows knotted, and by instinct, dali-dali niyang binuklat ang bag para malaman kung may nawawala. Walang nawala sa bag at hindi rin nagalaw ang gamit niya sa loob. Tanging ang jacket lang ang nagalaw. Wala ng iba pa.
Napailing na lang siya sa inasta. Hindi niya gustong pag-isipan nang masama ang babae. Marahil dala lang ng pagod at alalahanin kaya kung ano-anong pumapasok sa isip niya. Isinakbat na niya ang bag sa balikat at inabot ang jacket. Akmang isasabit niya iyon sa balikat nang mapansin ang paglaglag ng maliit na kulay berdeng papel mula rito. May nakita rin siyang isa pang papel na nakakapit sa laylayan ng jacket niya. Nilimot niya ang nagpatak na papel at kinuha ang nasa jacket. Parehas may nakasulat sa dalawang papel at dala nang kuryosidad ay binasa niya ang laman ng mga iyon.
Ilang ulit niyang binasa ang nakasulat sa dalawang berdeng papel hanggang sa tila nauupos na kandila siyang napaupo sa upuan. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiiyak dahil sa nabasa.
"Naririnig ba talaga Niya ako?" Nanghihinang tanong niya kahit batid niyang walang sasagot.
Ilang sandali siyang tulala at nang tila makabawi na ay maingat niyang tinupi ang papel at inilagay sa bag.
"I want to try, but I can't promise. I think I’m losing it," he murmured then left the place.
*****
Kinabukasan...
Hindi maiwasang mainis ni Hairah sa sarili. Buong misa ba naman siyang inaantok at parang wala sa sarili. Halos wala siyang naintindihan sa sinasabi ng pari sa unahan.
Paano ba namang hindi? Halos dalawang oras lang ang naging tulog niya. Bukod sa hindi siya pinatulog sa kakaisip kung tama ba ang ginawa niya kahapon ay tinapos niya ang journal na ginagawa niya. Ang balak niya ay mamaya na lang sana siyang third mass sisimba pero hindi malayong mag-krus na naman ang landas nila ni Elijah. At iyon ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari.
Wala sa loob na naihilamos niya ang kamay sa mukha. Naiinis siya sa sarili. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang loob niya kung tama ba ang ginawa o nagmumukha lang siyang desperada.
Nang mapansin niyang kumukonti na ang tao sa loob ay naghanda na rin siya sa pag-alis. She primed her bag, and slung it on her shoulder. She was about to stand when her eyes caught a familiar man walking into the doorway. She swallowed hard when her gaze halted at him.
No! Oh my!
That familiar man, who happened to be Elijah, caught her off-guard, made her still on her seat and her heart beat in an unimaginable rate.
She has to go now! As in now!
She recollected all her guts to torn her gaze from Elijah. But his image burned inside her head even after she looked away. She could remember how he stopped walking and remained standing at the side of the door while facing her direction. He was in his usual attire—a coffee-colored leather jacket, white undershirt, and denim pants. He was wearing shades, so she didn’t know where he was looking. Nevertheless, she felt his gaze burning at her skin.
It was unclear that he was looking at her. She was sure he didn't see her yesterday. She's just being overreacting. He wasn't staring at her. There were lots of beautiful ladies around gaping at him, but it seemed that he didn’t care at all. He was married, and he wouldn’t care at all.
That was when Hairah decided to stand, and with a squared shoulder, began to walk away. As much as she could, she had to stop thinking about him. It wasn’t easy, but she had to. Feelings and emotions weren't excuses to long for someone who's already taken.
It's wrong, totally wrong.
Mabibigat ang hakbang na naglakad palabas ng simbahan si Hairah. Hindi pa rin nagbabago ang mabilis na kabog ng puso niya. Bagama't tila kumakalma na siya'y hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Elijah. Lalo siyang mahihirapang alisin ito sa sistema kapag palagi niya itong makikita.
Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga habang inililigid ang tingin sa paligid. May mangilan-ngilan pa ring tao sa labas kahit magsisimula na ang second mass. Hindi pa rin gaanong mataas ang sikat ng araw kahit pa alas-sais mahigit nang umaga.
Dahil aayaw pa niyang umuwi, tumungo siya sa kaliwang bahagi ng simbahan kung saan may malalaki at mayayabong na puno. Sa ilalim ng lilim ay may mga upuang bato. Naupo muna siya doon at nakapikit na tumingala, sinasamyo ang malamig at sariwang hangin ng umaga. Iba talaga ang hatid ng mga natural na gawa ng Lord. Parang mga kamay na humahaplos at nagpapakalma.
"Are you okay, miss?"
Gulat na nagmulat ng mga mata si Hairah at dahil hindi niya inaasahan ang taong nasa harapan ngayon ay napatayo siya sabay bulalas ng, "Ikaw? Paanong—’’ Mabilis niyang natutop ang bibig nang ma-realize ang sinabi at ginawa.
Oh my! I sounded defensive.
Elijah's lips curved into a small smile. "You?" he questioned back, sounded amused as if she’s an in-denial criminal that he caught lying.
Oh my! Hairah and her big mouth! kastigo niya sa sarili.
Tinanggal nito ang shades at lihim siyang napasinghap nang mapagmasdan ito. Hindi ito 'yong tipo na sobrang gwapo, pero siya 'yong tipo na lalaking-lalaki ang dating at malakas ang appeal. Siya ang klase ng lalaki na kapag nakasalubong mo'y hindi maaaring hindi ka muli lilingon. Whatever it was! He looked handsome in her eyes. And she could feel how her cheeks heated as his vivid coal eyes darkened while he stared at her.
"Ha? Ah... Naku... Mali pala. Pasensiya na... Sige po." Para siyang machine g*n sa bilis nang pagsasalita, hindi na rin niya naisip kung ano bang mga pinagsasabi niya.
Dala nang pagkapahiya, hindi na niya hinintay pang makapagsalita ito, mabilis siyang tumalikod at malalaki ang hakbang na naglakad palayo. Halos hindi na siya humihinga dahil nagko-concentrate siya sa paglalakad.
"Wait lang, Miss!" Dinig niyang tawag nito. Hindi niya inaasahan na susundan siya nito. Gayunman, hindi siya tumigil at dire-diretso lang sa mabilis na paglalakad. "Wait lang, Miss!” mas naging malakas ang pagtawag nito.
Hindi pa rin niya pinansin ito. Pero kahit matangkad siya at malalaki ang nagagawang hakbang, mas matangkad pa rin ito sa kaniya at mas maliksi. Hindi na siya nagulat nang bigla na lang itong umuna nang paglalakad sa kaniya at humarang sa daraanan niya.
"Ano bang kailangan mo?" Kumakabog ang dibdib niya pero pilit na pinakakalma ang tinig niya. Hindi pwedeng mahalata nito na kinakabahan siya.
Hindi ka nga ba halata? kutya niya sa sarili.
"Miss, bakit ka ba kasi umiiwas? May itatanong lang naman ako." Nanantiya ang paraan ng pagkakasabi nito.
Tiningnan niya ito. "A-Ano bang kailangan mo sa akin? Wala naman akong ginagawa."
Napansin niya ang paniningkit ng mata nito. "Wala naman akong sinabing may ginawa ka," seryosong komento nito.
Gosh… Watch your words, Hairah. "Kung ganoon, aalis na ako," saad niya bago nagmamadaling nilagpasan ito.
"No, wait lang," pigil nito sa kaniya at sa pagkabigla niya'y walang sabi-sabing hinawakan siya nito sa may pulsuhan para pigilan.
Manghang binalingan niya ito nang tingin bago lumipat ang mga mata niya sa kamay nito na nakahawak sa kaniya. Hindi niya magawang ipaliwanag ang nararamdaman. May kung anong tila boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan sa sandaling maglapat ang mga balat nila. Ang kaninang kumakabog na dibdib ay tila mas lalong bumilis sa pagtahip.
Naghahalo ang emosyon sa loob ng dibdib niya. Kaba, excitement, admiration at takot. Posible palang sabay-sabay na maramdaman ng tao iyon sa isang kisapmata lang.
Tumaas ang tingin niya mula sa kamay nitong nakahawak sa kaniya patungo sa mukha nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagrehistro ng gulat sa mga mata nito na tila nabigla rin sa ginawa.
Naramdaman din ba niya iyon?
"S-sorry, miss. Hindi ko sinasadyang takutin ka." Daig pa niya ang sinampal ng bigla nitong bitawan ang kamay niya.
Mali siya. Iba ang naramdaman nito sa nararamdaman niya.
Nag-iwas siya ng mga mata. Hindi na niya magawang tingnan ito. Nahihiya siya dito at para sarili. Kung alam lang nito ang laman ng isip niya ay baka layuan siya at hindi na ito mag-abalang lumapit pa sa kaniya.
"Miss..."
She sighed and turned to him. "It's fine. Ano bang maitutulong ko?" sumusukong tanong niya. Nandito na ito. Ano pa nga bang maggagawa niya?
"Can we talk? I mean, may gusto lang akong itanong,” malumanay nitong tanong na para bang ito pa ang nahiya sa mga nangyari.
Tumango-tango siya. "Okay."
Ngumiti ito at tila nag-jumping jocks ang puso niya dahil sa ngiting iyon. Hindi rin nagtagal ang sigla niya nang may bigla siyang maalala. Nakalimutan niya ang isang bagay. Kahit nga pala kanino, kahit sino ka pa o ano ka pa, ngingitian ka ni Elijah. Isa iyon sa mga katangiang nagustuhan niya rito. Elijah's a beamer. At masiyahan na siya sa ngiting ibinibigay nito ngayon.
Naglakad sila pabalik sa kinauupuan niya kanina. Habang naglalakad ay pinagmasdan niya ang malapad na likod nito. Hindi niya maiwasang isipin... Gusto niya talaga ito? O baka naman infatuation lang ang nararamdaman niya? Pwede bang magustuhan mo ang isang tao dahil lang nakikita mo ito palagi? Dahil sa magaganda nitong katangian?
Siguro.
Ngunit kahit saang anggulo niya tingnan mali pa rin ang nararamdaman niya. May asawang tao ito at pag-aari na ng iba.
"Ayaw mo bang maupo?" baling nito sa kaniya nang nakarating sila sa kinauupuan niya kanina.
"Ha? Ah... Sige. Sige. Okay lang," aniya habang nananatiling nakatayo. Kinakabahan siya at hindi niya maintindihan kung paano kikilos.
Tinitigan siya nito na lalong nagpakaba sa kaniya. "Natatakot ka ba sa'kin?" nagtatakang tanong nito.
"Ha? Hindi ah. Bakit naman ako matatakot?" sunod-sunod niyang ani bago dali-daling naupo sa kabilang dulo ng upuan.
Napatingin siya dito nang marinig na tumawa ito nang mahina. Sa tagal na pinagmamasdan niya ito sa malayo ay ngayon niya lang napagtanto na ang cute nitong tumawa. Lumiliit ang mga mata nito at bumuburok ang magkabilang pisngi tuwing ngumingiti. At masaya siyang nakikita itong nakangiti, kahit pa nga natatawa ito dahil nagmumukha siyang timang.
Lihim siyang napangiwi. Masisisi ba siya nito? Hindi siya sanay na may kasamang lalaki. Lalo’t ito pa ang katabi niya.
"Sorry, I don't mean to offend you," naiiling na anito. "Relax ka lang, wala naman akong gagawing masama sa iyo," dagdag pa nito bago naupo sa kabilang dulo.
Ang awkward. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng bench.
Nilingon niya ito. "Ano bang kailangan mo sa'kin?" tanong niya. Hindi siya mapakali. Sunod-sunod ang mga tanong na pumapasok sa isip niya. Paano kung nakita niya ako kahapon? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Magagalit kaya siya? An—
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," putol nito sa pag-iisip niya bago dumukot sa bulsa ng jacket. Nakatingin lang siya hanggang nakaikom na inilabas nito ang kamay.
"A-Ano iyon?" kinakabahang tanong niya.
Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtaas ng sulok ng labi nito bago nagsalita, "Was it from you?"
Pinagmasdan niya ito at inihanda ang sarili sa maaaring nasa loob ng mga palad nito. Tila slow motion ng buksan nito ang palad. Nang tuluyang lumitaw ang dalawang nakatuping kulay berdeng papel na nasa palad nito ay wala sa loob na napakagat-labi siya.
"Looks familiar?" tanong pa nito nang hindi siya nagsalita. "I was thinking if I really looked miserable yesterday para iwan mo ito sa'kin," dagdag pa nito sa malungkot na tinig. Naglaho na ang masiglang tinig nito kanina.
Tumungo ito at nilaro-laro ang papel sa palad. Hindi maikakaila ang paglungkot nito na tila pumipiga naman sa puso niya. Minabuti niyang alisin ang mga mata dito. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit sa mukha nito.
Ano bang dapat kong sabihin? Anong dapat kong gawin? Nalilito siya ngayon.
"Hindi ko inaasahan ito," pagpapatuloy nito.
Hindi pa rin niya alam kung anong gagawin. Napapikit siya at nakuyom ang kamay. Oh God, you put me here. Help me, oh please...
"Natahimik ka na," komento nito na nagpamulat sa kaniya.
Tell him what you know and what he needs to know...
Hindi lumilingong nagsalita siya. "Malapit ka sa puso ng Lord kaya gusto ka Niyang tulungan." Tumigil siya sa pagsasalita at pinanood ang dahan-dahang pagbagsak ng mga dahon mula sa puno. "Miserable? Sa totoo lang, tao lang ang nag-iisip noon."
“That sounds great, but I’m getting nothing.”
"Hindi ako sigurado kung anong pinagdadaanan mo ngayon. Nag-jump lang ako sa conclusion nang makita kitang nagdarasal," paliwanag niya at hindi pinansin ang pagbabago ng tinig nito.
Bahaw itong tumawa. "I'm so desperate yesterday, but I don’t know if He’s really listening to my prayers.” Habang nagsasalita ito'y unti-unting humihina ang tinig.
"Praying is the best tool. Lagi namang nakikinig ang Diyos sa mga panalangin natin. Saan ka man naroroon, anuman ang ginagawa mo, naririnig ka Niya," pinilit niyang pasiglahin ang tinig. Gusto niyang ipakita rito na kahit anong mangyari may pag-asa pa rin.
Sandaling katahimikan ang dumaan sa kanila bago muli itong nagsalita.
"So it means ikaw talaga ang babaing iyon?" Hindi man siya lumingon ay alam niyang nakangiti na ito.
Wala sa loob na naisumpit niya ang nililipad na buhok sa likod ng tenga. Oh geez! Nahuhuli talaga ang isda sa sariling bibig.
Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali nang hinala. Malungkot man ang mga mata nito pero tila tinatalo iyon ng kakaibang ngiti sa mga labi nito.
She shrugged her shoulder. "What's the point of lying?"
Unti-unti ay gumagaan ang loob niya pero sa kabilang banda ay nakikita niyang umiilaw ang sign ng DANGER ZONE niya.
At hindi niya pinansin iyon.
She focused her gaze at him. "I'd never imagined this. May babaing hindi ko naman kilala na mag-iiwan ng ganitong mensahe sa gamit ko.”
“Hindi ko rin inaasahan na gagawin ko iyon.”
“That’s bizarre,” he murmured between a laugh.
Muling nanaig ang sandaling katahimikan sa kanila bago nagsalita si Elijah. Ang hindi niya inaasahan ay ang sasabihin nito. "Madalas kitang makita sa bayan.”
“Really?” she asked as she nipped her lower lip and gazed down at the cement. Her pulse began to quicken again.
“Yeah, and I never thought that this will happen.”
“I-I never thought also…” tahimik niyang saad.
"So, I am the first one?" Binalingan niya ito at awtomatikong gumapang ang init sa magkabilang pisngi niya nang mapagtantong nakatingin pala ito sa kaniya.
“In that way… Yeah, I think so. Most of the time kasi through texts, letters, and Messenger ko lang ginagawa iyan. Pero ang mag-iwan ng verse na nakasulat sa sticky notes at idikit ito sa jacket ng medyo estranghero na tao. First time iyon..." nangingiting paliwanag niya.
Hindi nakalingat sa kaniya ang malapad na pagngiti nito. Lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. Isa sa mga bagay na napatunayan niya, hindi mahirap pangitiin ang lalaki. "Well, I feel special," biro nito.
Lihim na humigpit ang hawak niya sa shoulder bag na nasa kandungan. Special ka naman talaga. Gusto niyang sabihin dito pero siyempre hindi niya pwedeng gawin iyon. Sa halip, "Espesyal ka sa mata ng Lord," ang naging tugon niya rito. "Lahat tayo'y espesyal sa Kaniya."
"What a pleasing job," he murmured.
"Ano?"
"What you are doing. It was pleasing."
“You're serving and protecting people."
He beamed. "Anyway, salamat dito. Iisipin ko na lang na nagpadala Siya ng anghel."
"Let us put it in other term. I'm just an instrument." Huminga siya nang malalim. “Can I pray for you?”
Napakurap ito. “Now?”
“Uhuh,” she said softly.
“S-sure…” May pag-aalinlangan sa mga mata nito pero kaagad ring nagpatianod.
“Do you mind if…” Tumigil siya sa pagsasalita nang makita ang magkahalong pag-aalinlangan at lungkot sa mga mata nito. “It’s fine. God knows everything. But, sometimes, we have to come to Him.”
Tumango ito bago nagyuko ng ulo. Itinukod nito ang dalawang siko sa magkabilang hita. Inalis naman niya ang tingin rito at ipinikit ang mga mata. Kasabay ng pag-ihip ng hangin at pagbagsak ng mga dahon mula sa puno ay ang pagbitaw niya ng panalangin para rito sa mahina at malamyos na tinig. Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan nito pero naniniwala siyang hindi bingi ang Lord sa mga dasal nito.
“Salamat,” ani Elijah nang matapos ang maikling panalangin.
"No worries. God loves us so much. So, kung anuman ang pinagdadaanan mo, trust in Him. Sagot ka Niya at Siya ang bahala sa'yo,” nakangiting aniya bago tumayo.
"You're leaving?"
“I need to go.”
Tumayo na rin ito at namulsa. "Thanks again," he mumbled.
Nagawa na niya ang dapat niyang gawin kaya sa tingin niya ay huli na ito. Tumango siya at lihim na sinaulo ang larawan ng muka nito. Hindi lingid sa kaniya ang sandaling pagbabago ng kislap ng mga mata nito bago muling ngumiti.
"Remember that God always cares for you." She tilted her head and said, "So, goodbye?"
Something was working in his eyes before he answered. "No, I think we'll see each other again… somewhere." The look on his face was expecting something, but she didn’t know what it was. “Unless, aalis ka ng bansa,” biro pa nito.
"I won’t."
"Then, it's a good bye for now?"
For now...
“Yeah, for now,” she assented even though she was not sure. Akmang tatalikod na siya nang muli itong magsalita.
"Miss..."
Nagtatakang sinulyapan niya ito. "Bakit?"
"Elijah Pelaez." Inilahad nito ang kanang kamay. Sinulyapan niya iyon bago inabot lumipad ang mga mata sa nakangiting mukha nito.
"Hairah Herrera," mahinang aniya at tinanggap ang kamay nito.
Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng kamay nito.
Lord, bakit hinahayaan mong mangyari ito? bulong niya sa isip habang nakatitig kay Elijah.
"So? Hindi na ako medyo estranghero?"
"Hindi na," kagat-labing umiling siya. He has a great memory.
Binitawan nito ang kamay niya. Tumalikod na siya at naglakad palayo rito. Walang lingon-lingon, kahit ang totoo'y gusto niya pang makita muli ito. Pag-alis niya sa lilim ng puno ay mataas na ang sikat ng araw.
Sana may pag-asa ring sumikat sa bawat isa sa kanila.
*****