"I am coming to terms with the fact that loving someone requires a leap of faith, and that a soft landing is never guaranteed." - Sarah Dessen Bumubulak na ang tubig sa kaserola nang makababa si Elijah galing sa ikalawang palapag ng bahay. Inilagay niya ang Pancit Canton sa kumukulong tubig. Tinimpla niya ang seasoning sa malapad na plato habang hinihintay na maluto ang noodles. Galing siya sa kwarto nila ni Yannie. Sa loob ng ilang buwan, noon lang siya muli pumasok sa kwarto. Halos inaalikabok na ang loob at kailangan nang palitan ang mga kubrekama, punda, at kurtina. Kailangan na ring pagpagan ang mga gamit nila na naroroon. Hindi niya nilinis iyon at sa halip ay may kinuha lang siya sa cabinet na mga gamit niya at muli nang nilisan ang silid. Wala pa ring pinagbago ang kwarto maliban

