"Let us then approach God's throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and find grace to help us in our time of need." - Hebrews 4:16 After 1 year and six months... "Pagkatapos manalangin ni Samson na bigyan siya nang panibagong lakas ng Diyos upang ipaghiganti ang dalawang matang binulag ng mga Filisteo ay nagwika siyang, 'Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo.' Inipon niya ang natitirang lakas at itinulak ang dalawang malaking haligi dahilan para masira iyon at bumagsak ang templo kung saan kasama siyang namatay ng mga Filisteo." Isinara ni Elijah ang aklat at may munting ngiting tumingin sa mga bata. "At mas marami siyang nagaping Filisteo nang siya'y mamatay kumpara noong nabubuhay pa siya." Nakatitig lang sa kaniya ang mga bata nang matapos niyang basahin ang

