CHAPTER 48 DEE dalawang buwan na din ang lumipas mula ng magising si jace sa pagkakacomatose,laking pasalamat ko ng makarating ang balita na yun sakin. umalis ako at di na nagpakita pa pagkatapos ng engkwentro sa ospital,nahihiya akong harapin si jace. sa lahat ng nagawa ko ito ang pinakamahirap,dahil kahit gusto ko syang makita at makasama ay pinipigilan ko ang sarili ko. nagpaubaya na ko,siguro nakarating na sakanya ang annulment papers,this time ako na ang tatapos para maging malaya na sya. ngumiti ako at tumingin sa mga bituin,hobby ko na talagang tumingin sa langit kapag nalulungkot ako. sinong mag aakala na ang dating kinamumuhian kong lalake ang syang patuloy na minamahal ko ngayon. na ang dating kasal na halos takbuhan ko at iwasan,ngayon gusto kong panghawakan. pati ang p

