CHAPTER 52 JACE Puno ng pangungulila ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng nakatali sa kama at patuloy lang sa pag iyak. Naiiritang napamura ko dahil wala akong magawa!di ko alam na makikita ko syang umiyak ulit sa harapan ko. Nung isang gabi ay patagong pinuntahan ko sya sa condo nya nag ala akyat bahay ako para makapasok sa glass door ng veranda nya,that time mahimbing na natutulog si Dee ng abutan ko. FLASHBACK.. Nang makaakyat ako sa veranda ni Dee ay nilapag ko muna ang hawak kong annulment papers na pinadala ng abogado ni Dee. Malungkot na hinaplos ko ang buhok nya at tinitigan ko ang maamo nyang mukha. "do you really want an annulment?"napabuntong hininga ako pero nagpatuloy padin ako sa pagsasalita kahit pa alam ko naman na di nya ko maririnig at di sya makakasagot.

