CHAPTER 32 DESI Malungkot na nakatitig ako sa hawak kong singsing..namimiss ko na din ang makulit nyang pagsasayaw habang nagluluto maging ang batuhan namin ng mga salita..hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa mata ko tumingala ako upang pigilan ang muling pagtulo ng luha ko..nang mahagip ng mata ko ang litrato ng mama't papa ko doon tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko lang pinigilan.. Nilibot ko ang paningin ko sa silid na kinaroroonan ko..ang kirot ng nakaraan ay malinaw padin sakin..ang pagtataboy ni jace na tila ba may nakakahawa akong sakit,ang panghuhusgang tingin ni manang elly,ang mga ngiti ni misty tuwing makikita nya kong napapahiya o nasasaktan at ang biglaang atake na naging dahilan ng pagkamatay ng aking ama.. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ng mahulog an

