KABANATA 16: Scandal Video “ARIANI, what are you doing here.” Gulat na tanong sa ‘kin ni Lawrence. Nakangising sumenyas ako sa kaniya na huwag siyang mag-ingay at huwag niyang lakasan ang boses lalo na nang makita kong palingon-lingon sa paligid si Belinda ngayon. Hinahanap yata si dela Merced dahil nawawala na ito ngayon sa likuran niya. “Ariani...” “What? Didn’t you miss me?” Bahagya akong dumungaw mula sa pader ng corridor para sumilip kay Belinda at nang nakitang pabalik na sana ito malapit sa kinatataguan namin ay hinila ko na si Lawrence sa loob ng nakabukas na ladies’ comfort room saka isinara ang pinto. “What are you doing, hahanapin tayo ni Belinda.” “E ‘di hanapin niya tayo.” Mahinang sambit ko. “Kung mahanap niya tayo.” Ngumisi ako at tumingkayad para mabilis na naka

