KABANATA 17: Sounds Fun Mabilis na kinuha ko ang malamig na tubig na inilapag ng waitress sa mesa at nilagok iyon sa sobrang inis. Napangiwi rin ako pagtapos dahil sa brain freeze na naramdaman. "Kumalma ka na, ang mahalaga 'di ka nasaktan o nabalian." Dinig kong sambit ni Lawrence habang nauupo sa harapan ko. Kagabi pa ang nangyaring cheerdance competition pero hanggang ngayon ay hindi ako pinapatahimik ng nangyari. Inaya ako ni Lawrence sa isang restaurant malapit sa village namin, iritable pa rin ako sa nangyari pero sumama ako, of course bakit hindi. Minsan lang 'to mangyari, ngayon nga lang yata. "Paano ako kakalma kung ganito ang mga bumubungad sa 'kin?!" Turo ko sa iPhone ko saka ito padabog na binitawan sa table. Kinuha iyon ni Lawrence at tinitigan mabuti, binabasa yata ang

