CHAPTER 8 SPG NANG makarating sa bahay ay panay na ang biro sa ‘kin ni Lawrence na parang nag-iba na ang mood, siguro ay dahil sa mga pag-uusap naming dalawa kanina sa kotse. Naroon na kasi ako sa shotgun seat at nagkukuwentuhan na kami ng mga bagay na nakakatawa patungkol sa mga kumpanya namin. Hindi na nga halos maisali si Tanya sa usapan, nag-aalala ako sa kaniya na baka nararamdaman niyang out of place siya kaya isinasali ko siya kung minsan pero parang wala naman pakialam si Lawrence at ako lang ang kinakausap. Hinayaan ko na lang. Bumaba ako ng kusina kasama si Lawrence nang mapagkasunduan naming magluto ng pancit canton, hindi kasi ako makatulog habang si Lawrence naman ay abala pa sa work niya. “Tandaan mo nandito tayo para magluto at kumain. Hindi ako ang kakainin mo.” Mapagl

