KABANATA 32: Frame-up That day, alam kong hindi sana papayag si Lawrence dela Merced. Hindi naman niya diretsong sinabi sa ‘kin na hindi siya papayag pero iyon lang ‘yong naramdaman ko nang ipaliwanag niya sa ‘kin na hindi biro ang kasal at hindi pwedeng basta mo na lang iyon i-annul o alisan kung kailan mo gustuhin. Pinaliwanag niyang sagrado iyon at as much as possible ay isang beses mo lang gagawin sa buong buhay mo, isang beses ka lang mangangako sa harap ng altar at ng Dios sa taong gusto mong makasama habangbuhay. “Baka hindi mo pa naririnig pero ang kasal hindi iyan parang mainit na kanin na pwede mong basta na lang iluwa kapag napaso ka.” Ani pa niya. “Agreed pero paano naman ang mga taong kagaya ko? Hindi lang ako, paano naman ang mga asawang inaabuso at hindi na matiis na

